Sarah gwardyado pa rin ng ama kapag ka-date si Matteo | Bandera

Sarah gwardyado pa rin ng ama kapag ka-date si Matteo

Ervin Santiago - May 27, 2014 - 03:00 AM


ANG fresh-fresh talaga ng aura ni Sarah Geronimo ngayon. Kitang-kita ang kakaibang kaligayahan sa kanyang itsura – ibig sabihin, feel na feel niya ang pagiging girlfriend ng Kapamilya hunk na si Matteo Guidicelli.

Nag-guest nang live last Sunday sa The Buzz si Sarah kasama ang leading man niya sa bagong pelikula ng Star Cinema at Viva Films na “Maybe This Time” directed by Jerry Sineneng, at hindi nga siya nakaligtas sa pagiging taklesa ni Kris Aquino.

Tanong ng Queen Of All Media, bakit daw sila magkasama ni Matteo sa isang event kung saan dumalo rin ang mag-asawang Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos. Kumalat ang litrato nilang apat sa Instagram last week.

“Supposedly magre-race po yata siya, si Matteo po, kaya lang he wasn’t feeling well kaya hindi siya nakatuloy. Binisita na lang po namin si Kuya Ryan and Ate Juday,” esplika ng Pop Princess.

Tinanong din si Sarah kung kasama ba nila si Mommy Divine nu’ng mga oras na ‘yun, sagot ng singer-actress, “Si daddy (Delfin Geronimo) kasama po namin.”

Hindi rin nakaligtas si Sarah sa tanong ni Kris kung totoong wala siyang ginawa sa shooting ng “Maybe This Time” kundi ang mag-text at magbasa ng message sa kanyang cellphone kapag wala siyang eksena.

Kung matatandaan si Coco mismo ang nagbuking sa kanyang leading lady during the presscon of their movie. Pero bago sumagot, tumingin muna si Sarah kay Coco sabay dialogue ng, “Ikaw din lagi kang may ka-text, eh.

Ikaw lagi kang may hawak na cellphone. Sinong ka-text mo? Ikaw Coco ha,” natatawang chika ni Sarah. Pero kinulit uli siya ni Kris kaya ang sagot ng dalaga, “Opo baka siya nga po yung ka-text ko noon.”

Samantala, kitang-kita sa interview ni Kris kina Coco at Sarah ang matinding chemistry ng pagiging magka-loveteam nila. Sa tinginan at body languange lang nila ay masasabi mong malalim na ang nabuong friendship sa pagitan nila.

Aminado naman ang mga bida ng “Maybe This Time” na talagang naging close sila habang ginagawa nila ang pelikula na showing na bukas sa mga paborito n’yong sinehan.

Kaya nga kahit na alam na ng lahat na may Matteo Guidicelli si Sarah, marami pa rin ang nagsabi sa amin na hindi nila palalagpasin ang movie ng dalawa.

Nakikita rin daw kasi nila kay Coco ang matinding karisma ni Lloydie kapag kasama si Sarah. Kung tutuusin nga ay mas masa pa ang dating ni Coco kesa kay John Lloyd kaya naniniwala sila na tatabo rin sa takilya ang “Maybe This Time”.

Alam n’yo, ngayon pa lang masasabi na nating kayang pantayan kung hindi man malagpasan ng “Maybe This Time” ang mga nakaraang blockbuster movies ni Sarah with John Lloyd Cruz.

E, kasi nga, hindi pa nagso-showing ang movie, e, sandamakmak na block screening na ang inihanda ng supporters nina Coco at Sarah sa iba’t ibang sinehan.

At hindi lang ‘yan, ang isa pang gauge namin kung tatabo sa takilya ang isang pelikula ay kapag maraming nanghihingi sa amin ng passes.

May pagkakataon kasi na kahit ipagduldulan namin sa aming mga friendship ang passes ng isang movie ay dedma lang sila! Ha-hahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to sarah geronimo official fanpage )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending