Gabby nagladlad na, pumayag magpakabakla
Gabby Eigenmann plays gay sa first lead role niya. Ginanap last May 21 ang story conference ng bagong afternoon prime series ng GMA na Dading. Present sa nasabing storycon sina Gabby, Glaiza de Castro at Benjamin Alves kasama sina Chynna Ortaleza, Zhara Mae Deligero, Gardo Versoza, Mymy Davao at Toby Alejar.
Ito ang papalit sa magtatapos this week na The Borrowed Wife. Kakaibang kwento ng pamilya at relasyon ng magulang at anak ang ibabahagi ng Dading. Sa direksiyon ng batikang aktor na si Ricky Davao, nakatakda itong ipalabas sa June 23.
Sa storycon, ibinahagi ng Kapuso dramatic actor ang kaba at excitement sa gay role na kanyang gagampanan. Pressure daw sabi niya as when they were all reading the storyline, it’s a big baggage to carry but at the same time they’re all excited and looking forward to working with each other.
Una nang gumanap na beki si Gabby sa isang episode ng Magpakailanman, pero this time, isang full-length series na ang gagawin niya kaya mas challenging at mas matindi ang pressure.
Bago rin para kay Glaiza ang role niya rito dahil kadalasan ay kontrabida ang karakter na ginagampanan niya sa mga teleserye. Maninibago siguro si Glaiza pero in a good way, at least something new naman.
Though marami na rin namang naglalabasan na stories about gays and homosexuals, Dading is very interesting and different.
Matapos ang primetime series na Adarna, excited na rin si Benjamin na bumalik sa pag-arte bilang isa sa mga bida sa Dading,
Maganda yung interaction and dynamics ng mga characters sa story they’re really excited.
( Photo credit to gabby eigenmann official fanpage )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.