Napoles walang panahon sa sex? | Bandera

Napoles walang panahon sa sex?

- May 25, 2014 - 01:46 PM


ITO ang pinanindigan kahapon ng abogado ng umano’y utak sa P10 bilyon pork barrel scam na si Janet Lim Napoles sa kabila ng mga ulat na kaya muling dinugo ang kanyang kliyente ay dahil nakipag-sex ito kahit hindi pa magaling ang opera nito sa matris.

Sa panayam niya sa radyo, isiniwalat ni Atty. Bruce Rivera na nalulungkot si Napoles sa mga balita na nagkaroon siya ng pagdurugo dahil sa pakikipagtalik.

Hirit ni Rivera na imposibleng magawa ito ni Napoles sa loob ng kanyang kuwarto sa Ospital ng Makati. Idinagdag ni Rivera na wala nang panahon ang kanyang kliyente dahil pagod na umano ito sa kagagawa ng affidavit.

Iginiit din ng abogado na walang privacy si Napoles sa ospital. Aniya, labas-masok ang umano ang mga bantay, nurse at doktor sa silid nito. Aniya, “malisyoso” at nakakababa ng sarili na sabihin na kaya dinugo si Napoles ay nakipag-sex ito.

Lumutang ang mga hinala kamakalawa makaraang ipagpaliban ng korte ang nakatakda sanang pagbalik ni Napoles sa Fort Sto. Domingo sa Laguna mula sa Osmak.

Sinang-ayunan ni Judge Elmo Alameda ng Makati Regional Trial Court Branch 150 ang hiling ng kampo ni Napaoles na payagan muna itong manatili sa ospital matapos makaranas ng pagdurugo.

Sa pagdinig ng korte kahapon, sinabi ng isa sa mga doktor ni Napoles na si Efren Domingo na bagamat dalawang araw na siyang hindi dinurugo, kailangan pa niya ng limang araw bago siya makalabas ng ospital.

Hindi naman naiwasang itanong ng prosekusyon sa kampo ni Napoles kung posibleng sex ang dahilan bakit dinugo si Napoles.
Inamin ng doktor na maaaring “private, intimate contact” ang naging dahilan ng kanyang pagdurugo.

Sinabi rin ni Domingo na hindi imposible na sex nga ang dahilan dahil “our patient is human, she has her urges.”

( Photo credit to inquirer news service )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending