WALANG kahirap-hirap. Biglang nagkaroon ang New Peple’s Army ng 1,004 AK-47 na Made in China, ayon kay Tito Sen. Ang AK-47 ay itinuturing na mas malakas pa sa M-16 dahil kaya nitong talupan at ngatngatin ang puno. Ang mga armas at legal na inangkat ng security agencies at mining companies. Pagdating sa bansa, napunta ang mga armas sa NPA, ayon kay Tito Sen.
Hindi nakapagtataka. Sa Palasyo, Senado’t Kamara ay may mga komunista. Sa Mindanao ay maraming politiko at ilegalista ang araw-araw ay nakikinabang sa NPA. Kaya mauubos lang ang mga sundalo. Iyan nga ang tanong ni Jovito Palparan. Sino ba ang kaaway?
May damdamin din pala ang komunista at lumuluha. Pero, wala silang awa sa pagpatay sa mismong kanilang kauri. Karma? O paala ng kung ano ang ginawa sa kapwa ay siyang…
Si Graciano Lopez-Jaena ay editor ng La Solidaridad. Bilang editor, o patnugot, malaking kapangyarihan ang nasa kamay niya. Ang kapangyarihang ito ay nadarama sa kumpas pa lamang at paniniyak sa mga usapan. Kaya naman marami ang “dumarating” sa kanya, na tinawag na contribucion, mula sa kanyang mga paisano sa Madrid at mula sa Pilipinas. Sa dami ng dumarating ay wala siyang problema sa tutuluyan, pagkain, pananamit at araw-araw na laman ng bulsa.
Tinanggap niya ang anumang dumarating at tinanaw niya ito bilang prebilihiyo ng kanyang posisyon. Paggising sa umaga, di siya tumutuloy sa opisina ng pahayagan kundi sa kapihan at nakababad siya rito hangga’t may pera siya o may magbabayad sa kanyang nakonsumo. Pinupuntahan siya ng mga paisano at binabayaran ang kanyang ininom o nakonsumo para lamang sa isusulat niya na nais ng mga paisano. Ang kasaysayan, tunay.
Nanggagalaiti sina Miguel Castro Enriquez at Carmelo del Prado na inanggihan umano ng libu-libong piso mula sa pork barrel, mula sa pera ng taumbayan. Supot na paputok ang akusasyon. Meron din namang mga mamahayag na nanahimik na lamang. Ganoon siya noon at ganito ang kalakaran ngayon.
Lumalala ang mga paglusob ng NPA sa Mindanao. Dehadong-dehado ang mga pulis sa raid. Malalakas ang armas at marami ang bala ng kalaban. Armalite at konting bala pa rin ang ibinibigay sa mga pulis. Kapag ganito ang nagaganap, normal na palitan ang mahinang puwersa at halinhan ng sanay sa gera.
Ang problema, nilalakad sa mga opisyal ng LGU at PNP ang pagtatalaga ng mga pulis sa mga bayan na hitik ng NPA. Sa paglusob sa President Roxas, North Cotabato, mabuti na lamang at may kasanayan ang puwersa ng PNP.
MULA sa bayan (i-text sa 0906-5709843): Bakit pinalaya ang tatlong pulis na umano’y nakapatay sa Pinki-an brothers ng San Isidro, Davao Oriental? Nanganganib ang saksing anak. Si Mayor Duterte pa ang tumulong sa pagdakip sa mga pulis noon at double murder daw ang kaso pero walang nangyari. …9315
Apat na buwan na kaming naghihirap sa napakaraming hukay dito sa Santa Ana, Maynila. Kapag hapon ay umuulan na.
At dahil nakabuyangyang ang mga hukay ay mabilis na ang baha. Kinalimutan na ba kami ni Erap? …8711.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.