Janelle: Hindi kami naka-drugs ni Ramgen | Bandera

Janelle: Hindi kami naka-drugs ni Ramgen

- January 13, 2012 - 10:38 AM

Nang kunan daw ang kanilang video scandal

NAG-GUEST ako sa Bottomline ni kuya Boy Abunda na tineyp namin the other day. I guess ipalalabas ito sa next episode. Isa ako sa mga Bottomliners sa show kung saan ay special guest ang kontrobersiyal nating youngstar na si Janelle Manahan.

Isa si Janelle sa mga talents ng Star Magic pero talagang mas nakilala siya at naging very controversial dahil sa pagkapaslang sa boyfriend niyang si Ramgen Revilla at sa muntikan na rin niyang pagkamatay after being hit by some bullets last Oct. 28, 2011 sa bahay nina Ramgen sa Parañaque. She almost died dahil namanhid na ang buong katawan niya when she was hit.

Mabait pa rin sa kanya ang Diyos dahil iniligtas pa rin siya kay Kamatayan.

“It took a while bago ako nakapag-text sa family ko and some friends. I texted them the address at sinabi kong tinamaan ako ng bala kaya kailangang magpadala sila ng ambulansiya.

 

I knew kasi na pag marami akong nai-text, mas madali para makapagpadala sila ng tulong,” ani Janelle when asked kung ano ang ginawa niya right after mabaril that fateful day.

Janelle was so much in love with Ramgen. Hindi rin niya ikinailang ilang beses din siyang nasaktan ni Ramgen noon. May kumalat kasing balitang may pagka-warfreak daw si Ramgen thus making her a battered girlfriend.

“Inaamin ko that there were times na pinagbubuhatan niya ako ng kamay. Nu’ng una niya akong sinaktan, pinabayaan ko lang dahil mahal ko siya.

Pero nitong huli na, lumalaban na ako, I wanted to stop him from hurting me. Masakit para sa akin yung ginagawa niya, kasi nga, he was so ill-tempered. He has not much control of himself kaya inunawa ko na lang.

“Hindi ko ito sinabi sa parents ko dahil unang-una, sinuway ko ang kagustuhan nila na huwag makipag-live in sa kanya. Yes, I’ve been a good daughter except for this, hindi ko nasunod ang gusto nila.

Anyway, may nasabihan akong ilang friends tungkol sa pananakit sa akin ni Ramgen before and there were times na sinusundo ako ng friends ko sa bahay nila to pull me out. Naaawa kasi sila sa akin.

Pero naayos din namin ni Ramgen ang problema.

“Mga dalawang beses din kaming naghiwalay. The last of which ay tumagal ng more than one month.

Hiwalay nga kami pero we were in constant communication everyday. Parang di rin kami naghiwalay. Iyon nga lang, physically ay hiwalay kami that time. It was August of last year.

“Masakit lang for me to think na hindi ko man lang nasagot ang mga pagsasabi niya sa akin ng, ‘I love you’. Mahal na mahal ko siya to the point na siya ang pinili ko between me and my career. Pinapili niya kasi ako, siya o yung work ko.

Siya ang pinili ko dahil mahal ko siya. Pero patuloy pa rin akong nag-aral. At hindi totoo ang balitang siya ang gumastos sa pag-aaral ko.

“My parents still supported my studies kahit magka-live in kami. There are times na binibigyan niya ako ng pera pero galing iyon sa negosyo niya, kasi nga, I also helped hin in his business.

Hindi galing sa allowance ng family niya ang ibinibigay niyang pera sa akin, it’s part of my work for his business.

“There were attempts na talaga sa life niya that time pero isa lang ang alam ko na sinabi niya sa akin. Hindi naman siya natakot sa threats na iyon, nagtataka lang siya, hindi niya alam kung sino ‘yung nananakot. There was one time na meron siyang threat pero binalewala lang niya.

“Kasi nga, sinasabing nasa pinto lang niya yung papatay sa kanya at nu’ng binuksan niya ang pinto niya, wala namang tao kaya binalewala lang niya.

“Napagtanto ko na lang na seryoso pala ang mga threats na iyon nang mamatay na si Ramgen. Masakit talaga, sobrang sakit,” dire-diretsong kuwento ni Janelle.

Inamin ni Janelle na talagang istrikto raw si Ramgen sa kanyang mga kapatid. Pero that doesn’t mean naman daw na hindi niya mahal ang mga ito. Sa kanya lang daw open si Ramgen. Pero sa mga kapatid niya, medyo naiilang nga sila sa kanya dahil strict niya siya as kuya.

Muntik na ngang mamatay si Janelle at habang dinidinig ang kaso kung saan siya ang tumatayong prime witness, bigla namang bumandera sa mga internet sites ang kanilang sex video ni Ramgen.

Marami ang nagtatanong kung bakit pumayag siyang gawin ‘yun? Were they on drugs ba that time?

“Kaya ako pumayag dahil mahal ko siya. Yes, hindi ko dini-deny na kami iyon at kusang pumayag po ako sa request ni Ramgen.

Alam kong magagalit sa akin ang pamilya ko dahil super conservative sila pero laking pasasalamat ko dahil despite this, very supportive sila sa akin. Hindi nila ako iniwan sa ere.

“Ang totoo po niyan, 2007 pa namin ginawa yung video na iyon. Kaya lang, pumutok yung isyu kina Hayden Kho last 2009 kaya agad naming binura iyon sa laptop niya. Hindi namin alam na kahit pala na-delete na iyon sa laptop, may naiiwang kopya pala iyon sa hard drive ng computer.

Nakokopya pala iyon doon. Kaya heto lumabas na dahil merong nag-upload. No, we were not on drugs. Not at all. Hindi kami naka-drugs ni Ramgen when we took that.

“Sa tanong kung ako ba’y nagsisisi na pumayag akong gawin iyon with him sa video, no. Hindi ako nagsisisi dahil nga isa ‘yun sa mga natirang magandang alaala ko with him,” ani Janelle na lalo naming hinangaan.

Grabe ang interbyu na iyon ni kuya Boy kay Janelle. Ang ganda-ganda. Lalo kaming humanga sa dalaga. Napaka-honest niya at talagang consistent siya sa kanyang mga sagot. Hindi mo siya pagdududahang nagsisinungaling lang, lalong tumaas ang level ng kanyang kredibilidad.

In fact, after ng interbyu na iyon, nakalimutan naming meron siyang sex video. She remained intact and wholesome sa paningin namin. She’s a brave girl with a pure heart.

Nang tanungin ni kuya Boy si Janelle ng kanyang last question – kung bibigyan daw si Janelle ng Diyos ng isang minuto upang kausapin si Ramgen, ano ang sasabihin niya rito?

“I love you very much and don’t worry, hindi ako titigil hangga’t hindi mo nakakamit ang hustisya that you deserve,” ani Janelle habang tumutulo ang mga luha.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Whattagirl! We admire your honesty, Janelle. Kaya mo iyan, we’ll pray for you. God loves you.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending