Sandara Park super wild sa concert ng 2NE1, patong kung patong sa kandungan ni Sam Bandera

Sandara Park super wild sa concert ng 2NE1, patong kung patong sa kandungan ni Sam

Alex Brosas |May 20,2014
share this

Sandara Park super wild sa concert ng 2NE1, patong kung patong sa kandungan ni Sam

Alex Brosas | May 20, 2014 - 03:00 AM


Marami ang naloka sa lap dance number ni Sandara Park kay Sam Milby sa concert ng K-Pop group na 2NE1 recently.
Sa napanood naming video ay pinakamalakas ang tili ng audience when Sandara danced sa lap ni Sam.

Parang hinahalik-halikan pa niya ang hunk actor sa video na aming nakita. Ang ilan pang celebrities na game na naki-lap dance ay sina Jason Abalos, Joross Gamboa at Ram of G-Force.

Parang pinakamalandi at pinakamaharot ang lap dance number ni Sandara kay Sam. Patong kung patong ang hitad. Ayun, siya tuloy ang most-applauded sa kanilang apat.

Alam na alam ni Sandara kung paano pakiligin ang Pinoy audience. At alam na alam din niya kung paano tatalbugan ang kanyang mga kasama.

Siyempre nga naman, kahit na dati na siyang sumikat dito sa Pilipinas, kailangan pa rin niyang ipakita na siya ang popular among them dito sa ating bansa.

( Photo credit to EAS )

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending