Mayor sa Albay sinibak dahil sa sabungan | Bandera

Mayor sa Albay sinibak dahil sa sabungan

Leifbilly Begas - May 15, 2014 - 05:42 PM

SINIBAK sa puwesto ng Office of the Ombudsman ang isang alkalde sa Albay na nagtayo at nag-operate ng sabungan sa lupa na pagmamay-ari ng kanyang kompanya. Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio Morales mayroong sapat na batayan upang sibakin si Malinao Mayor Avelino Ceriola dahil sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Local Government Code (RA 7160). “(Ceriola) should be held administratively liable for committing unlawful acts in a manner that evinces deliberate intent and flagrant disregard of established rule,” saad ng 15 pahinang desisyon ng Ombudsman. Ayon sa Section 89 ng RA 7160 ipinagbabawal sa mga opisyal at empleyado ng lokal na pamahalaan ang pagkakaroon ng interes sa sabungan at iba pang legal na laro na nasa ilalim ng local government units. Si Ceriola umano ang pangulo at chairman of the board ng Ceriola Corporation mula ng ipatayo nito ang Malinao Cockpit Arena hanggang sa makakuha ng business permit. Siya rin umano ang nag-aprub sa resolusyon ng Sangguniang Bayan para payagan ang operasyon nito. “(He) exhibited the kind of wanton and deliberate disregard of the law which would qualify as Grave Misconduct under the Revised Rules on Administrative Cases in the Civil Service,” dagdag pa ng desisyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending