Alwyn ayaw pang pakasalan si Jennica, di pa rin handang magka-baby | Bandera

Alwyn ayaw pang pakasalan si Jennica, di pa rin handang magka-baby

Ervin Santiago - May 11, 2014 - 03:00 AM


Tuluy-tuloy pa rin ang maaksyong pakikibeki ni Alwyn Uytingco sa primetime dramedy series ng TV5 na ‘Beki Boxer’. Ngayong linggo, ang dating WBPF Super Featherweight titleholder na si Michael “Hammer Fist” Farenas naman ang makakalaban niya sa ring.

Matapos ma-knockout si Marvin “The Hammer Head” Ortega (ginampanan ni WBC Silver World Champion Denver Cuello) gamit ang kanyang mga tsunami punches, next level na si Rocky Ponciano (Alwyn Uytingco) at makakaharap niya nga si Farenas.

Tubong Sorsogon, Bicol Region, kilala ang 29-year-old na boksingero sa kanyang agresibong style sa pakikipagboksing na nagbigay sa kanya ng record na 38 wins with 30 knockouts.

Gaganap si Farenas bilang Leonado “Matador” Gonzales, isang matador-turned-boxer na kilalang nakapatay ng baka gamit lang ang kanyang kamao.

Kayanin kaya ni Rocky ang match na ito gamit ang kanyang Tsunami punch? O si Leonardo na kaya ang kakatay sa kanya?
Tutukan yan ngayong linggo sa Beki Boxer, Lunes hanggang Biyernes, 7 p.m. bago ang Confessions Of A Torpe sa TV5!

Anyway, wala pa talagang balak magpakasal sina Alwyn at Jennica. Ine-enjoy lang daw muna nila ang kanilang relasyon. At isa pa, may usapan na kasi sina Jennica at Jean Garcia.

Kailangan daw mauna munang magpakasal si Jean sa kanyang non-showbiz boyfriend bago ang young actress. And besides, mismong si Alwyn na ang nagsabi na hindi pa siya emotionally at financially ready na magkaroon ng sariling pamilya.

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending