Pulis duda sa kooperatiba; utang na P5K naging P33K | Bandera

Pulis duda sa kooperatiba; utang na P5K naging P33K

Lisa Soriano - May 10, 2014 - 03:00 AM

MAGANDANG araw Madam!

Sumulat po ako sa inyo upang humingi ng tulong tungkol sa problemang dinaranas ko sanhi ng buwanang kaltas sa aking sahod na ginagawa ng Kooperatiba ng Pulis at Sundalo (PUSU).

Taong 2008 noon nang magtungo ako sa Camp Crame, Quezon City para ayusin ang aking promosyon.
Marso, 24, 2009 napilitan po akong humiram ng pera sa naturang ahensiya ng P 5,000 dahil sa kakapusan. Ito ay may buwanang bayad na P966 sa loob ng 27 buwan. Ang kaltas sa sahod ko ay magsisimula sana sa buwan ng Hunyo ng nasabi ring taon.

Dahil po sa hindi inaasahang pangyayari, naantala po ng walong buwan ang pagbabayad at nakapagsimula lamang ng pagkaltas noong Marso 2010.

Noong September 2011 ay humingi po ako ng Loan Ledger sa naturang ahensiya upang malaman ko ang balance ng aking pagkakautang at laking pasalamat ko dahil tinugon nila ang kahilingan ko. Nalaman ko na ang kasalukuyang balance ko ay P 25,698.94 as of September 2011.

Abril 2013, humingi uli ako ng Loan Ledger sa kanila dahil kung titingnan ko ang bilang ng buwan na nakakaltas sa buwanang sahod ko ay umabot na po ng 38 buwan na kung tutuusin ay sumobra na ng 11 buwan sa terminong 27 months.
Labis po akong nagulat sa pinadala ng ahensiya sa akin na Loan Ledger dahil sa halip na fully paid na ako sa aking account, ang lumalabas ay may natitira pa akong balance na P32,415.45.

Nang makita ko ang Loan Ledger ay agad po akong sumulat sa tanggapan ng PUSU upang linawin ang laman ng listahan na pinadala nila.
Alam mo mam, sa halip na malinawan po ako sa tugon nila lalong lumakas ang kutob ko na manluluko ang gumagawa ng Loan Ledger ng naturang ahensiya.
Mantakin po ninyo,
P 32,415.45 ang balance ko sa kanila as of April 2013 pero sa Loan Ledger na pinadala muli nila bilang tugon sa sulat ko may Standing Balance pa ako na (P 33,554.75) as June 2013. Sa loob ng dalawang buwan tumaas po ang balance ko samantala sapat naman po ang kinakaltas ng ahensiya buwan- buwan mula ng nakapagsimula silang magkaltas sa akin.

Sinabi pa nila sa sulat na “YOUR LOAN ACCOUNT HAS INCURRED PENALTY CHARGES (COMPOUNDED) DUE TO ZERO PAYMENTS FOR THE PAST EIGHT (8) MONTHS AND FOR THE EXTENSION OF YOUR TERM.”
Sang ayon po ako mam sa 8 buwan na zero payment pero yung extension of term na binanggit po nila ay ibang account po yon at tama rin po ang nakakaltas nila buwan-buwan para sa naturang account.
Kaugnay nito, buong puso po akong humihingi ng tulong sa inyo, sa ngalan ng pagseserbisyo ninyo sa bayan. Tulungan po ninyo ako maisaayos itong suliranin dahil halata na may panlolokong ginagawa ang mga kawani ng naturang ahensiya. Nakipag ugnayan na po ako sa kanila pero hindi po malinaw ang kanilang explanation.

Ipagpaumanhin po ninyo na magamit ko ang serbisyo ninyo sa bagay na ito dahil nasa coastal area po ako dito sa bahagi ng Maguindanao Province naka-assign at hindi ko po kayang pumunta sa Manila sanhi ng gastusin sa paglalakbay.

Alam po ninyo mam, hindi lang ako ang nagdurusa sa ganitong uri ng pagkakaltas, maraming katulad ko na pulis dito sa amin na biktima rin.

Sana sa pamamagitan po ninyo ay maituwid ang mga manluluko sa ahensiyang iyan.
Naniniwala po kami na ang paraan na ginagawa ng mga kawani ng naturang ahensiyang ay labag na sa itinadhana na ating Saligang Batas.

Naka attached po sa sulat na ito ang mga katibayan ng sinasabi para maging reference po ninyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maraming salamat.
Gumagalang
PO3 ABDULBASIT KARUDI KULOD
REPLY: Magandang araw sa iyo PO3 Kulod. Maraming salamat sa iyong pagliham sa amin at sa pagtitiwalang iyong ibinigay.
Nais naming ipabatid sa inyo na kasalukuyan na po kaming nakikipag-ugnayan sa nasabing kooperatiba, ang Kooperatiba ng mga Pulis at Sundalo, para ihain ang inyong hinaing sa kanila.
Agad pong ipagbibigay alam sa inyo ng Aksyon Line anuman ang magiging tugon ng nasabing ahensiya. Sa ganitong pagkakataon din ay ibinubukas ng Aksyon Line ang linya nito sa nasabing ahensiya at maging sa pamunuan ng Philippine Natioanal Police para magbigay ng komento hinggil sa sinasabi ninyong “panlolokong” ginagawa ng ilang kawani ng kooperatiba.
Muli, maraming salamat sa pagtitiwala.
AKSYON LINE

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending