Pacheco nagtala ng isa pang marka sa Palarong Pambansa | Bandera

Pacheco nagtala ng isa pang marka sa Palarong Pambansa

Mike Lee - May 07, 2014 - 03:00 AM


SANTA Cruz, Laguna — Lilisanin  ni Bryan Jay Pacheco ang Palarong Pambansa bilang isa sa pinakadominanteng manlalaro sa athletics. Kahapon ay naitala  niya ang pangalawang  record sa taong ito sa   secondary boys javelin throw sa

Laguna Sports Complex. Ang 17-anyos na si Pacheco ng Central Luzon ay nagtala ng pinakamalayong markang  62.47 metro sa unang tapon ng javelin  na may bigat na 700 gramo para baguhin ang sariling Palaro record na 57.81-meter na ginawa niya noong nakaraang taon sa Dumaguete City.

Si Joshua Vincent Patulad ng NCR ang naunang bumasag ng record sa naitalang 61.46 metro sa first attempt pero agad itong nabura ni Pacheco pagkalipas ng ilang minuto lamang.

“Bigay-todo po talaga ako dahil nakauna siya na nakabato sa mahigit 60 meters. Tapos inaan-tabayanan ko ang mga sunod na bato niya,” wika ni Pacheco na ang apat sa anim na tangka ay mahigit  60 metro.

Ito ang ikalawang ginto ni Pacheco at pangalawang record sa Palaro.Noong Linggo ay gumawa siya ng   bagong marka sa shotput.

“Nagulat talaga po ako sa shotput kaya masa-yang-masaya na naka-double gold at dalawang record pa,” pahayag pa ng 5’10” na si Pacheco na nahigitan ang isang ginto at isang pilak na marka noong 2013.

Nagbabalak na pumasok sa FEU para kumuha ng kursong Business Administration, si Pacheco  ay magtatangka pa  sa kanyang ikatlong ginto ngayong umaga sa discus throw.

Samantala, nagpasikat ang archer mula Ilocos Region na si Mary Queen Ybanez na pumana ng ginto sa  30-meter   (342 puntos) at 40-meter (316) event.

( Photo credit to inquirer news service )

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending