Lani umamin: Nagparetoke ng ilong, ngipin | Bandera

Lani umamin: Nagparetoke ng ilong, ngipin

Ervin Santiago - May 06, 2014 - 03:00 AM


Walang takot na umamin on national TV ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha tungkol sa isyu ng pagiging “salamat doktor”. Sa Buzz Ng Bayan last Sunday, diretsong sinabi ni Lani na totoong nagparetoke siya at wala raw siyang ikinahihiya sa ginawa niya.

“I’m not hiding anything. Actually when I’m asked I would say, ‘Yes I did something,'” chika ng biriterang singer. Sey ni Lani, ginawa niya yun dahil sa kanyang trabaho, “Of course.

Even regular person can actually do anything with her own body eh paano pa kaya kaming laging nasa harap ng camera. I had my nose done. I had my teeth done.”

Sa tanong kung sabay-sabay ba niya itong ipinagawa, ang tugon ni Lani, “Hindi, hindi. Kasi even before pa I already have problems with my teeth. Noon pa man and unti-unti lang nag-iiba because may mga trial period, eh.”

Para sa amin, wala ring isyu kung nagparetoke man si Lani, ang mahalaga, ang galing-galing pa rin niyang bumirit!
Kasabay nito, nilinaw rin ng singer ang chika na napilitan na siyang bumalik sa Pilipinas dahil wala na siyang career sa Amerika at tsinugi na raw siya sa isang malaking casino kung saan siya regular na nagpe-perform.

Ayaw na raw kasing i-renew ang kanyang kontrata. “Hindi sa hindi na-renew. Hanggang dun lang talaga ‘yung kontrata namin.
“To work in a casino, hindi po biro especially nakikipagbunuan ka sa malalaking shows doon.

Meron kaming binubuo sana pero it’s not easy. It really has to be a very, very good show for you to compete with the rest,” sey ni Lani.

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending