Kathryn pinaplano na ang susunod na dream vacation, kailangang kasama na si Daniel | Bandera

Kathryn pinaplano na ang susunod na dream vacation, kailangang kasama na si Daniel

Ervin Santiago - May 05, 2014 - 03:00 AM


NAGHAHANDA na si Kathryn Bernardo para sa susunod niyang bakasyon sa ibang bansa. Natupad na kasi ang dalawa sa ultimate dream vacation niya pagkatapos ng kanyang debut ilang linggo na ang nakararaan.

Dalawang linggo siyang nag-stay sa Europe at limang araw naman sa Korea at talaga namang sinulit ng Kapamilya teen actress ang nasabing bakasyon, “ Masaya kasi dream ko pumunta ng Europe, ‘yung sa Paris and nangyari siya lahat and kasama ko pa family ko so parang dream come true talaga ‘yun para sa akin.

“And nasa bucket list ko rin ‘yung Korea at natupad siya so maybe next year ibang country naman,” ani Kathryn. Sa lahat ng napuntahan niyang lugar sa Europe, ang Paris daw ang kanyang paborito, aniya ang paglilibot sa tinaguriang City of Lights ay isang “dream come true” para sa kanya.

“Paris talaga ang super favorite ko siyempre tapos nu’ng nakita ko nagulat ako kasi pagtingin ko ‘yun na ang Eiffel Tower, hindi ako na-inform na nandon na siya agad. Kasi may store tapos paglabas mo don mo na siya makikita.

Tapos napasigaw talaga ako tapos nakatingin sa akin ang mga tao kasi dream come true talaga,” chika ng dalaga sa interview ng ABS-CBN.

Ngayon pa lang ay pinaplano na ni Kathryn ang susunod niyang bakasyon para makapag-ipon na uli, kaya naman matapos ang kanyang Europe at Korea trip sabak agad ang dalaga sa trabaho.

Nauna na nga ang guesting niya sa birthday concert ni Daniel Padilla sa Araneta Coliseum at ang mga bago niyang endorsements. Ang tanong, makasama na kaya ni Kathryn si Daniel sa kanyang next dream vacation.

( Photo credit to kathniel official fanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending