‘Bata bawal sa motor’ inalmahan | Bandera

‘Bata bawal sa motor’ inalmahan

- January 04, 2012 - 04:06 PM


ANTI-poor umano ang inaprubahang panukala ng Kamara de Representantes a magbabawal sa mga bata na makasakay ng motorsiklo.

Ayon sa ilang motorcycle rider na nag-aangkas ng kanilang mga anak patungong eskwela, isa umano itong parusa sa kanila dahil hindi na nila maihahatid ang mga anak sa kanilang mga paaralan.

Ibig sabihin nito ay dagdag gastos para sa kanila ang panukala sa sandaling maging ganap na batas ito.

“Imbes na makatipid kami sa pasahe sa paghahatid sa  aking mga anak na maliliit ay dagdag gastos na naman ito,” sabi ni Federico Angeles na isang motorcycle rider mula sa Paranaque City.


Sa  ilalim ng House bill 5626 o ang Motorcycle Safety for Children Act, ipagbabawal ang pagsakay ng 10-anyos na bata pababa sa motorsiklo sa highway.

Subalit kapansin-pansin na naging malamya ang panukala dahil papayagan ang bata na sumakay ng motorsiklo kung magsusuot ito ng helmet batay sa nakasaad sa Motorcycle Helmet Act (RA 10054), kung makasasampa ang paa nito sa footrest at kung makahahawak ito sa bewang ng driver.

“Doon sa sinasabi nilang pwede pa rin namang makasakay yung mga bata basta makakatungtong ito sa footrest at may helmet ay malabo rin.

Katulad ng anak ko na sadyang maliit pa, talagng hindi aabot yung paa niya sa tungtungan dahil five-years old lang.

“Dahil don maoobliga kami na mag-commute at gumastos ng karagdagan sa pasahe imbes na pambaon na lamang ito,” dagdag pa ni Angeles.

Malungkot din si Gina Fajardo ng Navotas sa pagkakapasa ng panukala.

“Ginagamit namin ang motor sa biyahe dahil tatlo kami sa pamilya.  Hindi naman pwede na yung mister ko naka-motor tapos kami nung baby ko nagko-commute.  Sobrang gastos nito sa amin.

Kaya nga kami nangutang ng pambili ng motor para makatipid kami,” paliwanag ni Fajardo.

Sinabi ni Caloocan Rep. Mary Mitzi Cajayon, isa sa mga may-akda ng panukala na lilimitahan sa dalawa ang maaaring sumakay ng sabay sa motorsiklo maliban na lamang kung ang naturang sasakyan ay gagamitin sa emergency.

Ang mga lalabag ay magmumulta ng P3,000 sa unang pagkakasala, P5,000 sa ikalawa at P10,000 sa ikatlong pagkakasala na dinagdagan ng pagsuspinde ng isang buwan sa lisensya ng driver.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung hihigit sa ikatlo ang paglabag, tuluyan nang kakanselahin ang lisensya.—May dagdag na ulat ni Leifbilly Begas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending