Panukalang magpapalakas sa GAB pumasa na sa Kamara | Bandera

Panukalang magpapalakas sa GAB pumasa na sa Kamara

- February 01, 2019 - 04:17 PM

 

 

SA kabila ng pagkakaroon ng panukalang bumuo ng Philippine Boxing Commission na magtatanggal sa sport ng boxing sa mandato ng Games and Amusements Board (GAB) ay naipasa sa Committee on Games and Amusements ng Kamara de Representantes ang hiwalay na panukala na magpapalakas at magbibigay ng karagdagang ngipin sa GAB.

Noong Enero 25 ay inihain ang HB 4843 na may pamagat na “An Act Strengthening the Games and Amusements Board and for Other Purposes” nina Rep. Winston Castelo at ng yumaong si Rep. Rodel Batocabe.

Layunin ng panukalang ito na palawakin ang kapangyarihan ng GAB at masakop nito ang mga bagong anyo ng professional sports at mga betting systems. Mapapasailalim din sa GAB ang iba pang uri ng “amusement” tulad ng beauty pageants, music concerts at mga theme parks.

Noong Enero 17 naman ay inihain ni Rep. Joseph Sto. Niño Bernos ang HB 6983 o ang “An Act Strengthening the Role of the Games and Amusements Board in the Operation of Cockfighting in the Philippines, Amending the Cockfighting law of 1974 and for Other Purposes” na may layuning bigyan ang GAB ng otoridad na magbuo ng batas at alituntunin para sa sabong at mga sabungan sa buong bansa.

Pakay din ng panukala na bigyan ang GAB ng mandato para i-regulate ang internet-based betting system ng sabong.

Inaprubahan naman ng House Committee on Games and Amusements na pinamumunuan ni Rep. Gus Tambunting ang Substitute Bill ng House Bill 4843 at 6983 base sa rekomendasyon ng binuong technical working group at pagsang-ayon ng mga Committee Members.

Umaasa ang GAB na magkaroon ito ng counterpart sa Senado at maisabatas ang naturang panukala sa lalong madaling panahon.

Samantala, may hiwalay na panukala sa House Committee on Games and Amusements na naglalayong magbuo ng Boxing Commission. Kapag naisabatas ito ay mawawala sa GAB ang mandato nito sa boxing at iba pang contact sports.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mariing tinututulan ito ng GAB at maging ang mga “stakeholders” ng boxing at mixed martial arts.

Sa ilalim ng chairman nitong si Baham Mitra ay nakararanas ng tagumpay ang GAB na malinis at maayos ang sistema sa Philippine boxing. Naparangalan din ang GAB bilang Commission of the Year ng World Boxing Council (WBC) noong 2017 dahil sa programa nitong bigyan ng libreng MRI (magnetic resonance imaging), CT (computed tomography) scan at iba pang health examinations ang mga professional boxers ng Pilipinas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending