Hula ni Greenfield (Bandera resident psychic): Mas malakas kina Ondoy at Sendong
Ni Joseph Greenfield
Bandera resident psychic
Ikalawang serye
SA ILANG bahagi ng Luzon, sa nasabi ring panahon, sa Olongapo, Bataan, Nueva Ecija, Marinduque, Zambales at Pampanga, lalabas ang hindi maipaliwanag na likidong lason mula sa ilalim ng lupa.
Ang madampian ay magkakaron ng nakadidiring sugat at panga-ngati sa buong katawan. Kasabay nito, ang mga bukirin ay dagling lilitawan ng masaganang tubig na may kakaibang kulay na nakamamatay.
Magaganap ito sa buwan ng Abril hanggang Hulyo, sa petsang 4, 13, 26, 31, 8, 17, at 26, sa araw ng Lunes, Martes, Sabado at Linggo.
Kasabay ng nasabing mga pangyayari ang mga punong kahoy at mga halaman ay magbubunga ng mga prutas na ang makakakain ay magkakaroon ng di maipaliwanag na karamdaman – pagsusuka, pagkahilo, panunuyo ng lalamunan, kakapusin ang hininga hanggang sa mamatay.
Sa panahong iyon marami ang mababahala at magtataka, kung paano nangyari ang mga bagay na iyon, subalit ang kamandag ng nagliliyab na bunganga ng Dragon ay sadyang nangingibabaw na sa buong bansa.
Nakatakda ring maulit ang panunuyo ng mga batis at balon sa Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Bulacan at iba pang bayan sa Katagalugan, kabilang din ang malalaking bahagi ng kalupaan sa Northern Luzon, lalo na sa Cagayan, Isabela at Ilocos Region.
Sa buwan ng Marso hanggang Hulyo, magdadamot sa tabang na tubig ang ilalim ng lupa, hanggang ang mga tao ay magkagulo at magpatayan sa paghahanap ng maiinom.
Kasabay nito, sa Mindanao ang mga taniman ng pagkain ay sasaklutin ng iba’t ibang uri ng salot at insekto, mga daga, at higanteng balang.
Hanggang ang mga tao ay mapilitang kumain ng kung anu-anong bagay upang mairaos ang kagutuman.
Dito na rin magsisimulang mapabalita ang kauna-unahang pangyayaring magaganap sa ating bansa, na ang magkakapit bahay, magkakadugo ay kainin ang sarili nilang laman, sanhi ng matinding kagutuman.
Ngunit huli na ang lahat, sapagkat ang kamandag ng nag-aapoy na bunganga ng Dragon ay ganap nang nananalasa sa iba’t ibang paraan.
Mangyayari ang mga kahindik-hindik na kaganapang ito sa Zamboanga, Marawi, Surigao, Cotabato at Sulu. Ito ay magaganap sa nabanggit na mga buwan, sa saktong petsang 1, 8, 17, 25, 4, 13, 22, 31, sa araw ng Linggo, Martes at Sabado.
Habang sa kalagitnaang hati ng taon, sa buwan ng Hunyo hanggang Agosto, aahon ang Dragon sa karagatan habang ang kanyang bibig ay bumubuga ng apoy.
Sa araw ng Miyerkules, Huwebes at Biyernes, darating ang ubod lakas na bagyo na hindi pa naitatala sa kasaysayan ng bansa, mas malakas pa kina Ondoy at Sendong, sa nabanggit na panahon, sa petsang 6, 15, 24, 7, 16, 25, 2, 11, 20, at 29, ang umuugong na unos ay magsisimulang mabuo sa baybayin ng Polilio Island sa Quezon, kasabay ang isa pang bagyo sa Eastern Samar.
Ang kambal na bagyong ito ay magdadala ng higanteng unos at walang patid na buhos ng ulan.
Muli na namang mauulit ang pagguho ng mga kabundukan, sa Kabisayaan at Mindanao, ganoon din sa Marinduque at Quezon, kung saan, libu-libong mga ari-arian ang matatabunan ng lupa at maraming buhay ang mawawala.
Mula sa bundok sa pag-ahon ng malakas na bagyo sa kapatagan, mabilis na hahampas ang humahagunot na ipu-ipo at dambuhalang hangin na may dalang malakas na buhos ng ulan, kaya naman, maraming lungsod sa Metro Manila, at iba pang bayan sa paligid nito ang matatabunan ng malalim na tubig.
Habang kasabay nito, sasabog ang ilang pangunahing dam sa Luzon, dahil dito tuluyang matatabunan ng brown na tubig ang halos 85% ng kalupaan sa buong Luzon.
Kasabay nito, sabay-sabay na lulubog ang mga barkong nakahimpil sa pantalan, dahil sa patuloy na nagngangalit na alon. Ikakamadang muli ang mga bangkay sa gilid ng highway na tila muling mauulit ang naganap na kalamidad sa Iligan City at sa Cagayan de Oro City.
Marami ring mga bangkay ang isa-isang lulutang sa karagatan ng Manila Bay, Leyte, Davao, Cebu at Samar.
Muling magluluksa ang buong sambayanan, sapagkat sa pagkakataong ito ay may mga artista at kilalang politiko ang madadamay, ngunit ito’y simula pa lamang ng marami pang kalamidad at sakunang bibit ng nagngangalit na Dragon na umaahon mula sa kagaratan patungong kapatagan.
Itutuloy
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.