Binay, Poe wagi kung ngayon ang presidential polls – Pulse Asia
Leifbilly Begas - Bandera April 30, 2014 - 04:21 PM
Kung ngayon gagawin ang eleksyon, si Vice President Jejomar Binay ang siyang susunod na uupo sa Malacanang, ayon sa survey ng Pulse Asia.
Nakuha ni Binay ang 40 porsyento ng mga boto sa survey na isinagawa noong Marso 19 hanggang 26. Ang resulta ng survey ay hindi pa inilalagay ng Pulse Asia sa kanilang website pero inilabas na ng Rappler.
Humatak rin ng magandang rating si Senador Grace Poe, na pumangalawa sa listahan at nakakuha ng 15 porsyento. Pumangatlo si Senador Miriam Santiago, na nasa kanyang hulign termino, ay nakakuha naman ng 10 porsyento. Sumunod sa listahan si Sen. Francis Escudero (9 porsyento), DILG Sec.Mar Roxas (6), Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., (5), Sen. Alan Peter Cayetano (4), presidential sister Kris Aquino (4), Sen. Ramon Bong Revilla (3), dating Sen. Panfilo Lacson (2). Nanguna naman ang pangalan ni Poe sa listahan na kung sino ang magiging bise presidente kung ngayon gagawin ang halalan. Nakakuha siya ng 24 porsyento na sinundan nina Escudero (20), Roxas (8), Sen. Antonio Trillanes (7), Cayetano (6), Marcos (5), Aquino (5), Lacson (5), Batangas Gov. Vilma Santos Recto (5), Sen. Jinggoy Estrada (4), Sen, Bam Aquino (3), Revilla (3), Sen. JV Ejercito Estrada (2) at Camarines Sur Rep. Leni Robredo (1). Sa senatorial poll, nanguna naman si Sen. Tito Sotto (57.6), Senate President Frank Drilon (56.3), Roxas (52.9), Sen.Ralph Recto (48.3), Sen. Kiko Pangilinan (48), Lacson (47.4), dating Sen. Juan Miguel Zubiri (44.7), dating Sen. Dick Gordon (41.9), Marcos (41.6), Sen. Sergio Osmena III (40.8), dating Sen. Jamby Madrigal (37.4), Sarangani Rep. Manny Pacquiao (34.8), dating Akbayan Rep. Risa Hontiveros (34), Justice Sec. Leila de Lima (33.5), Ms. Aquino (31.8), Taguig Rep. Lino Cayetano (31.7), QC Mayor Herbert Bautita (31.5), dating Cagayan Rep. Jack Enrile (31.1), Sen. TG Guingona III (29.3), dating Zambales Rep. Mitos Magsaysay (21.6). Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,200 respondents na pawang mga nasa tamang edad para bumoto. ( Photo credit to inquirer news service )Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending