Babala kay Bistek: Mag-ingat, magahanda sa mas matinding kadramahan ni Kris | Bandera

Babala kay Bistek: Mag-ingat, magahanda sa mas matinding kadramahan ni Kris

Cristy Fermin |April 30,2014
facebook
share this

Babala kay Bistek: Mag-ingat, magahanda sa mas matinding kadramahan ni Kris

Cristy Fermin - April 30, 2014 - 03:00 AM


Masanay na lang tayo sa palaging pagso-sorry ni Kris Aquino. Sanayin na lang natin ang magkabila nating tenga sa pagsasabi niya ng “I’m sorry, last na ito, promise!”

Nu’ng una niyang ilantad ang espesyal nilang relasyon ni Mayor Herbert Bautista ay madiin pang sinabi ni Kris na ‘yun na ang una at huli niyang pagsasalita tungkol sa kanilang relasyon.

Pero hindi ‘yun nangyari. Naloka-loka nga siguro ang mayor ng Kyusi dahil hindi naman ito sanay na ipinaglaladlaran sa publiko ang kanyang lovelife, pero ngayon ay parang kornik na lang ‘yun na pinagpipistahan ng buong bayan, napapailing na lang siguro si Mr. HB.

Tweet pa rin nang tweet si Kris tungkol sa buhay-pag-ibig nila ni Mayor Bistek, pati nga ang energy drink na ipinadala sa kanya ng aktor-politiko ay binigyan pa niya ng espasyo sa kanyang Instagram, laban kayo du’n?

Lahat ng ginagawa nila ng mayor ng Kyusi ay nalalaman din ng publiko dahil ipinagbubuyangyangan nga ni Kris ‘yun sa social media, pero may kasunod namang panghihingi ng paumanhin ‘yun, last na raw sabi niya.

Mahirap nga namang karelasyon si Kris dahil wala siyang itinatago, lahat ay puwede niyang patikman sa publiko, nawiwindang na siguro ngayon si Mayor Herbert sa pinasukan nitong relasyon.

Ang nakakatakot nito ay kapag talagang naghiwalay na sila (hindi namin binibili ang kuwento ni Kris na tapos na ang relasyon nila ni Mayor Bistek), siguradong may mga pasaring na gagawin si babae laban kay lalaki, ginawa ni Kris Aquino ‘yun sa lahat ng nakarelasyon niya.

‘Yun ang kailangang paghandaan ng aktor-politiko, medya-medya pa lang itong nangyayari ngayon, mas nakakaalarma ang senaryo kapag tapos na talaga ang kanilang relasyon.

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending