Wowie maagang nabyudo, solo nang magpapalaki sa bagong silang na anak | Bandera

Wowie maagang nabyudo, solo nang magpapalaki sa bagong silang na anak

Julie Bonifacio |April 30,2014
facebook
share this

Wowie maagang nabyudo, solo nang magpapalaki sa bagong silang na anak

Julie Bonifacio - April 30, 2014 - 03:00 AM


Nakakalungkot naman ang nangyari sa dating Universal Motion Dancer member at actor na si Wowie de Guzman. Namatay ang kanyang misis na si Sherry Ann Reyes ilang araw matapos nitong isilang ang kanilang anak na si Alexandra Rafaelle.

Ayon kay Wowie, bago manganak ay na-high blood ang kanyang misis. At hanggang sa makapanganak daw ang misis niya paiba-iba na ang blood pressure nito.

Gusto siyang ipa-check-up ni Wowie pero tumanggi ang misis niya dahil feeling okey na raw siya. Two nights before she died, maaga raw natulog ang asawa niya pero nakakaramdam na ng sakit sa katawan.

Nagising daw si Sherry at nag-CR. Pero bago bumalik sa pagtulog, uminom ng gamot for mucle pain. Nagulat na lang daw si Wowie pagkalipas ng ilang sandali, napansin niyang parang nabulunan ang misis niya at tumirik ang mga mata.

Agad na isinugod ni Wowie ang kanyang misis sa ospital but sad to say, wala ng heartbeat ang misis niya pagdating doon. Inabot pa ng tatlong araw para i-revive ang misis niya pero nabigo rin ang mga doktor.

Sa pagkakaalam namin, two years ago lang ikinasal si Wowie sa misis niya. Tuwang-tuwa pa ang aming source sa pagkwento na at last, maayos na ang kalagayan ni Wowie at nakatagpo siya ng babaeng mamahalin ng habang buhay.

Proud pa na tsinika ng aming source na nakakaangat sa buhay ang pamilya ni Sherry.  Solong anak daw si Sherry ng kanyang mga magulang.

At ‘di basta son-in law lang ang turing ng mga magulang ni Sherry kay Wowie kundi tunay na anak talaga. May sariiling construction company ang  mga magulang ni Sherry at solong apo ang bagong silang na si Alexandra Rafaelle.

( Photo credit to EAS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending