Serye nina Coco at Kim no. 1 sa Primetime Bida
Isa pang inaabangan ding mag-show ay si Coco Martin base na rin sa response ng tao sa kanya kapag may out of town at out of the country show.
Pero tila wala pang plano si Coco na mag-concert sa Araneta dahil mas type niyang magteleserye at mag-pelikula muna.
Lalo na ngayon na bisi-bisihan siya sa master seryeng Ikaw Lamang na kasalukuyang nangunguna ngayon in terms of ratings game na inilabas ng Kantar Media.
Oo nga naman, kapag nagserye ka, hindi ka makakagawa ng ibang show lalo na kung ngaragan ang taping. Kaya nga nagulat kami na nakatapos na pala si Coco ng pelikula kasama si Sarah Geronimo, ang “Maybe This Time” na idinirek ni Jerry Sineneng produced ng Star Cinema at Viva Films.
Paano nga kaya ito naisingit ito ng aktor? Anyway, masaya ang Dreamscape Entertainment dahil consistent number one ang Ikaw Lamang. Mabilis ang takbo ng kuwento kaya naman bawat gabi ay may nagaganap na pasabog kaya naman hindi mabitiw-bitiwan ng mga tagasubaybay.
Hindi naman nagpapatalo sina Jake Cuenca, Julia Montes at Kim Chiu pagdating sa pag-arte dahil may kani-kanila silang forte.
Samantala, kinaiiritahan pa rin ng viewers ang role ni Cherie Gil dahil nga kontrabida siya kina Tirso Cruz III at Cherie Pie
Picache. Galit na galit din ang mga manonood kina John Estrada at Ronaldo Valdez dahil sa masamang balak nito sa karakter ni Tirso.
Gusto kasi nitong patumbahin ang tatay ni Jake dahil plano nilang hawakan ang kanilang bayan samantalang sunud-sunuran lang si Angel Aquino sa sinasabi ng asawang si John.
( Photo credit to kimchiufanpage )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.