HOROSCOPE, April 30, 2014 | Bandera

HOROSCOPE, April 30, 2014

Madam Sophia |April 30,2014
facebook
share this

HOROSCOPE, April 30, 2014

Madam Sophia - April 30, 2014 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon:  Mayo na bukas! Siguradong magtutuloy-tuloy na ang magandang suwerte  sa pag-ibig at pinansyal. Ang mahalaga, pagtungtong ng buwan ng Mayo ay lagi kang magsuot ng kulay na red at laging amoy-bagong paligo. Mapalad ang 9, 18, 27, 34, 35, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Namah-Mitra-Om.” Bukod sa red buenas din ang violet.
Aries – (Marso 21-April 19)— Sa panahon ngayon, makakabayad ka rin sa mga pagkakautang sa tulong ng mga kaibigan. Sa pag-ibig, yayain  ang kasuyo sa isang swimming sa tabing-dagat upang muling uminit ang inyong relasyon.  Mapalad ang 6, 18, 27, 34, 40, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Gray at gold ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Buwan ng Mayo na bukas! Upang suwertehin sa pag-ibig at materyal na bagay, sa unang patak ng ulan sa Mayo ay maligo ka. Sa ganyang paraan, bubuhos sa buhay mo ang magagandang kapalaran. Mapalad ang 7, 18, 29, 33, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agiel-Yophiel.” Green at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Kapag muling  bumuhos ang ulan,  magtanim ng gulay sa likod bahay. Gaganda na ang kapaligiran, mayroon ka pang maaani. Sa pag-ibig, kung bubuhos ang unang ulan sa buwan ng Mayo ay sabay kayong maligo ng iyong kasuyo upang lalo pang suwertehin ang inyong samahan. Mapalad ang 5, 14, 32, 34, 46 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” White at gray ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Ngayon pa lang ay mamili ka na ng mga gamit para sa nalalapit na pasukan. Sa ganyang paraan, hindi ka gagahulin sa oras at mas makakatipid ka pa. Sa pag-ibig, sa maagang pagsa-shopping, huwag kakalimutang ibili ang kasuyo ng kulay green na t-shirt. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.”  Apple green at pink ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Isang Aries ang magdadala ng bagong pagkakakitaan. Sa pag-ibig, isang Sagittarius ang kikiliti sa iyong damdamin, bago at nakakikilig na relasyon ang mabubuo. Mapalad ang 3, 12, 15, 33, 42, at 48. Mahiwaga mong mantra: Mapalad ang 8, 10, 28, 34, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Kesar-Kapor-Om.” Yellow at silver ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Bilis ang susi upang yumaman! Huwag kukupad-kupad upang hindi ka maunahan ng iyong mga kakumpetensya. Sa pag-ibig, positibo ang magaganap kung magtapat ka agad ng pag-ibig sa iyong minamahal. Mapalad ang 5, 17, 28, 34, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agiel-Yophiel-Om”. Lilac at gold ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Iwasang magmayabang sa kasuyo, na gawin ang mga bagay na hindi mo naman kaya, relaks lang sa romansa. Sa pinansyal hindi rin dapat gumastos ng malaking halaga para lamang makasama ang kasuyong Aquarius. Mapalad ang 9, 18, 28, 33, 45, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Taph-Harath.” Red at purple ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Mas malaking halaga ang kikitain kung matututong huwag na lang umangal, sa halip sa  tanggap lang nang tanggap ang dapat. Sa pag-ibig, ipaliwanag sa kasuyo na sa panahon ngayon ay mas mahalaga parin ang salapi kaysa sa prinsipyo. Mapalad ang 2, 9, 23, 27, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Beige at lilac ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—  Sa darating na Flores de Mayo, habang nagpo-prosisyon ay makikilala mo na siya – isang Aries na noon pa sa iyo humahanga.  Ikaw na ang gumawa ng paraan upang lubusang mabuo ang isang matimyas at wagas na relasyon. Mapalad ang 3, 12, 18, 27, 38, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Elohim-Adonai-Shaddai.” Red at pink ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—  Makunteto sa kasalukuyang kalagayan! Huwag maghangad ng kung anu-ano. Alalahaning higit na masaya ang buhay ng simpleng pamilya kesa sa ubod ng yaman. Sa pag-ibig, huwag nang mag-isip na palitan ang kasuyo, okey na siya kesa wala. Mapalad ang 6, 9, 18,  31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Om.” Green at maroon ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Hindi mauubos ang salapi, matuto kang mamigay! Ngayong katapusan, uwian ang kasuyo ng pagkaing matamis, malamig at madaling matunaw. Sa pinansyal, habang namimigay ay tuloy ang pasok ng maraming pera. Mapalad ang 5, 17, 24, 31, 39 at 46. Mahiga mong mantra: “Aum-Raga-Om-Kastha.” Brown at gray ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Muling patatagin ang gumegewang na relasyon! Balikan ang mga lugar kung saan kayo unang nag-date. Sa pinansiyal, tandaang higit na mas mahalaga ang isang tunay, wagas at tapat na pag-ibig kaysa sa limpak-limpak na salapi. Mapalad ang 5, 16, 25, 32, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Mira-Miraculum.” Old rose at green ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending