Toni, Alex na-shock daw sa desisyon ni Big Brother: ‘Utot n'yo! mga echoserang frog! | Bandera

Toni, Alex na-shock daw sa desisyon ni Big Brother: ‘Utot n’yo! mga echoserang frog!

Jobert Sucaldito |April 30,2014
facebook
share this

Toni, Alex na-shock daw sa desisyon ni Big Brother: ‘Utot n’yo! mga echoserang frog!

Jobert Sucaldito - April 30, 2014 - 03:00 AM


LOOKS like self-deprecation of sorts ang drama ng magkapatid na Toni and Alex Gonzaga these past days para lang mapag-usapan din sa showbiz.

Before the formal presentation ng PBB All In housemates last Sunday ay na-enjoy na ng magkapatid ang mileage na tinatamasa nila – pa-echos na sinisiraan nila ang isa’t isa – mga drama ni Toni na hindi bagay si Alex sa PBB dahil burara ito – naka-panty lang kung maglakad sa bahay at ututin.

Yung mga very real kunong mga revelations para makakuha ng audience. At meron pang dramang di raw alam ni Toni na papasok sa Bahay Ni Kuya si Alex at na-surprise daw silang lahat.

“Utot nila kamo! Mga echoserang frog! Imposibleng hindi alam ni Toni na papasok ang kapatid niya. Unang-una, bakit na-entertain niya ang idea sa presscon noon ng PBB kung payag ba siyang makasali ang sister niyang si Alex sa PBB?

Napakasinungaling nila. You mean, nag-audition si Alex sa PBB na hindi niya alam?  “Hindi nila napag-usapan iyon kahit minsan sa bahay nila? Huwag nga nilang pasakayin ang mga tao.

Ang sabihin nila, nilakad nila ang pagpasok ni Alex para sumikat ito. Kasi nga, kahit anong push ng ABS-CBN kay Alex ay hindi talaga ito nagsa-shine dahil she suffers in comparison sa ate niya.

“With her joining PBB, natural na lalo siyang makikilala. Mga style nila kamo bulok. Ang tanong nga diyan, sa dinami-dami ng nag-audition, bakit nakapasok si Alex kung talagang walang palakasan?

Nagpa-audition sila sa Araneta Coliseum ng 10,000 applicants tapos isa lang daw ang nakuha? Kakaloka!” ang medyo violent reaction ng isang writer-friend natin.

Napansin din namin ang kadramahan ng magkapatid na ito. Parang nagsisiraan echos na pa-cute lang para makatawag-pansin sa public.

Yung mga drama ni Alex na kesyo hindi niya gagayahin ang Ate Toni niya na after seven years sa pakipagrelasyon with Direk Paul Soriano ay virgin pa rin. ‘Tapos yung sinasabi naman ni Toni na nakakahiya raw sa pamilya nila pag si Alex ang nakapasok sa PBB dahil hindi raw ito marunong makisama sa bahay at kung anik-anik na kahinaan ng kapatid ang pinagsasabi niya.

Feeling tuloy namin ay kasama na ito sa PR plan ng mga Gonzaga para makundisyon ang utak ng mga tao of their baby Alex. Instead na makakuha sila ng simpatiya for Alex, the more na dumami ang bashers nila. Patay tuloy si Alex.

“At ano yung narinig ko na parang guest-housemate lang daw si Alex dahil after two or three weeks ay lalabas na rin siya dahil magri-resume na ang taping ng show nila ni Arjo Atayde?

Panggulo lang daw ito sa loob ng house. In short, gusto lang nilang makapag-ingay si Alex dahil wala itong dating sa showbiz. Kailangan nila ito para may manood naman ng TV show na ginagawa niya sa Dos.

Kasi nga, malaking investment ang ginagawa ng ABS-CBN sa kanila ni Arjo and since starlet lang ang level ni Alex, mahihirapan talaga silang ibenta ito sa advertisers.

Kaya pinasok nila si Alex siguro sa PBB para maga-usapan. Pero wala eh, negative ang dating. Kasi, sa libu-libong nag-audition ay sila-sila rin pala ang nakuha. Pre-selected na yata ang mga housemates, eh.

Parang mga kaibigan ng mga bosses ng PBB show na ito ang nakapasok. Ilan lang ba ang tunay na nakuha sa audition. Kaya tumigil nga sila sa mga ka-echosan nila,” dagdag pa ng kausap nating manunulat.

Hay naku, basta meron akong crush sa PBB All In, yung parang Chinito na nawawala ang mga mata pag tumatawa. Cute na cute ako sa kaniya. Kay Alex? Well..

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to alexgonzagafanpage ).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending