Sheryn Regis iniwan ang asawa sa US, may karelasyong tibo?
Parang mahirap paniwalaang ang chikang nakarating sa amin na meron daw problema itong si Sheryn Regis sa kanyang lovelife. Sheryn is now in town at parang dito na siya muna dahil busy siya sa promotion ng kanyang album.
Hindi lang kami aware kung kasama niya ang kanyang anak pero ang asawa yata niya ay naiwan sa US. Hindi kami naniniwala sa chikang on the rocks ang marriage ni Sheryn all because of a third wheel.
Sinasabing isang eba rin daw ang karelasyon ni Sheryn na tila mahirap paniwalaan. No offense meant to the tomboys, ha, pero bakit naman papatol si Sheryn sa tungril?
True ba ang rumor na ito, Sheryn? At totoo rin ba na related sa husband mo ang tomboy na nali-link sa ‘yo? Pakisagot nga, Sheryn?
Anyway, gustung-gusto namin si Sheryn noong contestant pa lang siya ng isang reality singing show ng Dos. Type na type namin ang kanyang effortless na pagkanta.
We were disappointed nang magpunta siya sa US para doon na tumira at iwan ang kanyang career dito sa Pilipinas.
( Photo credit to EAS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.