Matapos matimbog si Cedric, Deniece susunod na | Bandera

Matapos matimbog si Cedric, Deniece susunod na

Cristy Fermin - April 28, 2014 - 03:00 AM


Kahit sa pelikula, Ingles man o Pilipino, ay madalas nating marinig ang linyang “Napakaliit ng mundo para sa atin, magkikita rin tayo isang araw, hindi mo ako mapagtataguan habampanahon!”

‘Yun din siguro ang litanya ng mga alagad ng batas para kay Cedric Lee at sa kanyang mga kasama, hindi nila mapagtataguan ang batas, no one is above the law.

At nu’ng Sabado nga nang umaga ay nadakip na ang isa sa mga kinasuhan ng serious illegal detention at grave coercion ni Vhong Navarro sa Oras, Eastern Samar kasama ang kanyang kaibigang si Zimmer Raz na sangkot din sa mga asunto.

Mahigit na isang linggo ring tinugaygayan ng mga NBI agents si Cedric Lee, naging abala rin ang mga otoridad sa iba’t ibang bayan at probinsiya sa pagtutok sa galaw ng nasasakdal, lalo na ang mga lugar na malapit lang sa pantalan.

Kahapon ay ibiniyahe na rito sina Cedric at Zimmer Raz, kailangan na silang iharap sa korte para malaman kung saan sila ikukulong pagkatapos mag-isyu ng commitment order ang husgado, pinaghahanap pa hanggang ngayon si Deniece Cornejo at ang iba pa nilang mga kaibigan.

Parang kailan lang ang gabi ng January 22 nang tumambad sa publiko ang bugbog-saradong mukha ni Vhong Navarro.
Tatlong buwan lang pagkatapos ay baligtad na ang senaryo.

Nabunutan na ng tinik sa lalamunan si Vhong, nakapagtatrabaho na uli ito, habang sising-alipin na siguro ngayon ang tropa ni Cedric Lee dahil nakatagpo sila ng katapat kay Vhong.

Malayo pa ang Pasko, pero komento ng isa naming kaibigan, “Karma is just around the corner. It’s just a text away.” Mismo!

( Photo credit to INS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending