Wala ng makakaagaw sa trophy ni Maricel | Bandera

Wala ng makakaagaw sa trophy ni Maricel

- December 30, 2011 - 03:05 PM

Si Maricel Soriano ang tinanghal na best actress ng MMFF 2011.

Napapanahon ang parangal na ito para sa aktres. Higit kailanman sa kanyang buhay at karera ay ngayon niya kailangan ang isang pagkilala sa kanyang kapasidad sa pagganap.

Kahit pa may mga nagsasabing malaki ang ibinagsak ng kanyang pag-arte ay nandiyan na ‘yan, kusang-loob nang ibinigay ng mga hurado sa kanya ang parangal, kanya na ang tropeo at wala nang makaaagaw pa nu’n sa kanya ngayon.

Sana’y magsilbing inspirasyon kay Maricel ang tiwalang ibinigay sa kanya ng mga hurado ng MMFF, sana’y paghugutan niya ng tapang at lakas ng loob ang tropeong ito, ngayon mas kailangan ni Marya ng pagpapahalagang kailangan niya.

Ayon sa mga nakapanood na ng pelikulang “Yesterday Today Tomorrow” ay nakulangan sila sa ipinakitang pagganap ni Maricel, hindi raw ganu’n ang kanilang inaasahan mula sa aktres, pero meron din namang mga nagsasabing hindi kinalawang ang talento sa pag-arte ni Marya sa mahaba-haba ring panahon ng kanyang pamamahinga.

Pero sabi nga namin, ang tropeo ay hawak na niya ngayon, hindi naman niya ‘yun hiningi at ipinakiusap na mapasakanya, kaya wala nang magagawa pa ang mga taong kumokontra sa kanyang pananalo bilang best actress ng festival.

Inuulit namin, sana lang ay magkaroon ng magandang resulta ang pagwawagi ni Maricel Soriano, mula rito ay magkasunod-sunod na sana ang kanyang proyekto, iwanan na niya sa taong 2011 ang kung anumang hindi kagandahang senaryong kinapalooban niya para makapagsimula na siya ng maganda sa taong papasok.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending