Piolo ‘Echoserang Palaka’ kaya kinarma ang Lovelife | Bandera

Piolo ‘Echoserang Palaka’ kaya kinarma ang Lovelife

Jobert Sucaldito |April 22,2014
facebook
share this

Piolo ‘Echoserang Palaka’ kaya kinarma ang Lovelife

Jobert Sucaldito - April 22, 2014 - 03:00 AM


KAHIT kumita nang todo sa takilya ang “Starting Over Again” starring Piolo Pascual and Toni Gonzaga, parang hindi pa rin bumabalik nang husto ang init ni Piolo sa industry. Parang wala lang – ganu’n pa rin.

“Kasi naman, kaya kumita ang pelikula dahil maganda ang pagkagawa. Cute ang story and mukhang naka-relate ang audience. Not because of the stars, ‘no! In fairness, mas nakakuha pa nga si Toni ng mileage as far as an actress is concerned – si Piolo kasi ay given nang magaling umarte pero hindi dahil sa kaniya kaya pumatok ang movie.

Naka-timing ito sa takilya,” anang isang observer. “Kailan ba talaga magri-retire iyang si Piolo? Kasi palagi na lang niyang sinasabing uuwi na siya sa US at tututukan na lang ang pagbibinata ng anak na si Iñigo.

Baklang-bakla naman ang statement na iyan. He can be a good father to the boy even without retiring from work.”Kasi nga raw, nandoon daw sa States ang mga investments niya kaya doon daw niya balak mag-retire.

Doon daw kasi ang kaligayahan niya. O, di sige. Doon na kung doon pero wag na siyang emote nang emote na kesyo magri-retire eh, hindi naman niya mapanindigan.

“Kasi nga, may mga bagay na malaya niyang magawa sa Amerika na hindi niya puwedeng gawin dito sa ‘Pinas. Puro kaeklayan naman ang lolo niyong iyan.

O, ano ngayon? Nag-retire ba? Ang latest naman daw niyang sinasabi ay baka matagalan pa ang pag-retire niya dahil kumita ang last movie niya. Hasus garbanzos! Hindi namin sinasabing mag-retire na siya, siya ang nagsabi noon.

Huwag nga niya tayong paikutin,” talak ng isang baklitang parang may lihim na galit kay Papa P.  Ha-hahaha!
Nakakatawa ang reaksiyon ng baklang kausap namin.

Para siyang inagawan ng buhay ni Piolo kung manggalaiti. Ganyan ang artista – sasabihing lalayasan na ang industriyang kinalakhan niya tuwing matamlay ang career niya pero ngayong nakabalik na ulit, aba’y natural that he will strike while the iron is hot.

“Di huwag na lang siyang magsalita kung di naman niya mapanindigan. Pati sa lovelife echos niya – may mga drama pa siyang mag-aasawa after ilang years.

Nasaan na? Akala ko ba’y mag-aasawa na siya? Nasaan na ang girl? Baka di naman talaga siya mag-aasawa?Tumigil nga siya,” dagdag pa nito.

Ayoko nang kausapin ang baklitang ito. Kung anuman ang trip ni Piolo sa buhay, buhay niya iyon. Ano naman ang pakialam natin? Kung saan siya maligaya, respetuhin na lang natin.

Hindi kaya inggit na inggit lang ang baklitang ito kay Papa P? Puwede? Kung ayaw niya kay Piolo, manahimik na lang siya, ‘no! Bakit parang siya ang nagdidikta kung ano ang dapat gawin ni Piolo sa buhay? Kaloka!

Wait lang – kailan nga ba mag-aasawa si Papa P? Ano ba ang latest na pronouncement niya regarding this? Parang wala naman akong narinig lately ah. Kayo? Did you hear anything from him? Paki-share nga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to piolopascualfanpage )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending