Ginebra ipaparada si Freeman ngayon | Bandera

Ginebra ipaparada si Freeman ngayon

Barry Pascua - April 20, 2014 - 03:00 AM

Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
3 p.m. San Mig Coffee vs Alaska Milk
5:15 p.m. Brgy. Ginebra vs Rain or Shine
Team Standings: Talk ‘N Text (9-0); San Miguel Beer (7-2); Alaska Milk (5-3); Meralco (5-4); San Mig Coffee (4-4); Rain or Shine (4-4); Barangay Ginebra (3-5); Air21
(3-6); Barako Bull (2-7); Globalport (1-8)

PANGUNGUNAHAN ng two-time Best Import na si Gabe Freeman ang Baranga Ginebra San Miguel sa kanilang duwelo ng Rain or Shine sa pagtatapos ng maikling elimination round ng PLDT Home TVolution PBA Commissioner’s Cup mamayang alas-5:15 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Sa unang laro sa ganap na alas-3 ng hapon ay susungkitin ng defending champion Alaska Milk ang ikalimang sunod na panalo kontra reigning Philippine Cup titlist San Mig Coffee.

Sa kartang 5-3 ay sigurado na ang Alaska Milk na magtatapos sa ikatlong puwesto at pasok sa best-of-three quarterfinals.
Ang Meralco, na nagtapos nang may 5-4 record, ay sigurado na rin sa best-of-three quarterfinals.

Subalit ang ikalima hanggang ikapitong puwesto ay hindi pa nadedetermina at puwede pang magtabla ang San Mig Coffee, Rain or Shine at Barangay Ginebra sa  4-5. Ito ay kung matatalo ngayon ang Mixers at Elasto Painters na kapwa may 4-4 records.

Sa ilalim ng tournament format, ang ikapito’t ikawalong koponan sa pagtatapos ng elims ay magkakaroon ng twice-to-beat disadvantage sa quarterfinals kung saan makakatagpo nila ang top two teams.

Sa kasalukuyan, malaki ang pressure sa likod ng Gin Kings na may 3-5 karta. Napilitan silang maglaro nang all-Filipno sa laban kontra Alaska Milk noong isang linggo dahil iniwan sila ni Josh Powell matapos na makatanggap ito ng tawag buhat sa Houston Rockets sa NBA.

Hindi na bago si Freeman sa PBA dahil sa nakapaglaro na ito sa dalawang magkaibang teams at nahirang pang Best Import. Kaya lang ay madedehado ito dahil sa 6-foot-5 lang ang kanyang height.

Pero marami namang malalaking players na maaaring sandigan si Barangay Ginebra coach Renato Agustin tulad nina Gregory Slaughter, Japeth Aguilar, Billy Mamaril at Jay-R Reyes.

Sa kabilang dako, hindi naman impresibo ang import ng Rain or Shine na si Devon Wayne Chism subalit sinabi ni coach Joseller “Yeng” Guiao na kailangang pagtiyagaan na lang muna nila ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aasa si Guiao na mapupunan ng mga local players ang kakulangan ni Chism. Ang Rain or Shine ay pinamumunuan nina Gabe Norwood, Jeff Chan, Paul Lee, Beau Belga at Ryan Araña.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending