Enrique: Iniisip kasi ng tao, weird kapag wala kang GF!
PIHIKAN sa babae ang leading man ni Julia Barretto sa seryeng Mirabella na si Enrique Gil kaya hanggang ngayon ay wala pa rin siyang girlfriend.
Hindi kasi siya yung tipo ng lalaki na basta na lang makikipagrelasyon kung kani-kanino at pagkatapos ay maghihiwalay lang.
Ayon sa binata, naniniwala siya na may tamang oras para sa mga bagay-bagay, lalo na pagdating sa pag-ibig, seryosong usapin daw ito kaya kailangang maging maingat at magpakatotoo lang lagi.
Sa ngayon, naka-focus ang atensiyon ni Enrique sa kanyang trabaho, lalo na ngayong painit na nang painit ang tambalan nila ni Julia.
Nauna nang inamin ng aktor na hindi imposibleng ma-in love siya kay Julia dahil halos lahat na yata ng qualities na hinahanap ng isang lalaki sa babae ay nasa dalaga na, pero pareho raw ang goal nila ni Julia ngayon, ang magpaka-professional muna sa kanilang serye.
“Actually nag-stop muna kami ng taping ngayon ng Mirabella, pero wala pa rin eh (nililigawan). Wala, ewan ko, wala. When the time comes. Kapag dumating, alam kong darating din yun,” chika ni Enrique.
Nang matanong kung hindi ba siya naiinis pag may nagsasabing masyado siyang mapili sa babae, “Ang iniisip kasi ng mga tao sobrang weird kapag tayo wala tayong nililigawan o may girlfriend.
Minsan kailangan ba talaga? Kailangan ba talaga minsan? “Minsan depende yan sa sitwasyon ng buhay mo kung kailangan mo o hindi pero sa sitwasyon ng buhay namin ngayon hind pa eh, kaya siguro wala pa ako.
Pero kapag hinahanap na ng puso ayun magkakaroon na,” dagdag pa ng Kapamilya actor. Anyway, paganda na nang paganda ang takbo ng kuwento ng Mirabella na napapanood bago mag-TV Patrol kaya huwag na huwag kayong bibitiw, lalo na ngayong malapit nang malaman kung paano mababago ang itsura ni Mira.
( Photo credit to enriquegilfanpage )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.