SA inyong pagnilay-nilay at pagmuni-muni sa Mahal na Araw, isipin ninyo ang mga itinuturo o naituro sa atin ng ating mga relihiyon, maging Katolika o iba pang Christian religion.
Magtanong tayo kung tama ang tinuturo sa atin ng ating mga simbahan.
Isang halimbawa: Ang Diyos ay lubhang mapagmahal at mapagpatawad sa ating mga kasalanan.
Kung gayon, bakit sinasabi ng mga simbahan na may impiyerno kung saan itinatapon ng Diyos ang mga makasalanan sa mundo?
Di ba taliwas ito sa sinasabi ng mga Western religions—kasama na rito ang Islam—na ang Diyos ay mapagmahal at mapagpatawad?
Sa mga Katoliko, naman.
Itinuturo sa mga miyembro ng Simbahang Katolika na ang Santo Papa ay hindi nagkakamali tungkol sa pananampalataya at moralidad.
The Pope cannot err when it comes to decisions on faith and morals.
Bakit maraming Papa noon na immoral?
Itinuturo sa mga Katoliko at ibang relihiyon na Kristiyano, na galing sa Simbahang Katolika, na si Jesus ay nagturo na kapag ikaw ay sinampal sa kanang pisngi, ibigay ang kaliwang pisngi.
Bakit noong mga unang panahon maraming pinatay na hindi binyagan ang Simbahan upang maipatupad ang pangaral ni Jesus na mahalin ang kapwa gaya ng pagmamahal sa sarili?
Bakit maraming pinatay noong panahon ng Inquisition dahil lamang pinaniniwalaan ng Simbahan na sila’y makasalanan?
Siguro, dapat ay tanungin natin ang ating sarili kung totoo ang mga itinuturo sa atin ng ating mga simbahan.
Binigyan tayo ng Diyos ng sariling pag-iisip upang malaman natin ang tama sa mali.
Wala akong kinakampihan na simbahan dahil pare-pareho lang ang sinasabi ng lahat ng simbahan: Isa lang ang Diyos.
Walang kinakampihan ang Diyos dahil tayong lahat ay galing sa Kanya.
Ngayon, iwaglit na natin ang seryosong usapan at mag-joke na tayo.
Ininterbyu ni Dyan Castillejos si Manny Pacquiao.
Dyan: Manny, sa iyong boxing career, sino ang malakas na tumama sa iyo na ininda mo?
Manny: Mahirap masabi. Marami na akong nakalaban, piru tingin ku yung si Kim ang matindi.
Dyan: Kim? Huh! Koreano ba yan? Wala ka naman nakalaban na Koreano, ah!
Manny: Kim Hinaris ng BIR ‘day. Lakas ng bira, masakit sa bulsa. Ngayong panalo na ako kay Tim (Bradley), nag-aantay na naman si Kim. Pisting yawa talaga, ‘day. Pati mga doktor, atorni, engineer binibira ni Kim. Pero PDAF di niya matira.
Nilapitan ng palaka ang isang prinsesa.
Palaka: Mahal na Prinsesa, ako’y prinsipe noong araw at naging palaka dahil sa isang sumpa.
Prinsesa: Kung gayon, kailangan kitang halikan upang maging prinsipe ka uli.
Palaka: Malakas ang sumpa, mahal na Prinsesa. Di uubra ang halik. Ang kailangan ko ay sex.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.