Kris ‘BINASTOS’ ang misa, nagte-text sa loob ng simbahan
BINANATAN na naman si Kris Aquino. Kasi naman, she was photographed while inside a church, na kung hindi kami nagkakamali ay sa Manila Cathedral.
Nakunan kasi si Kris na nagte-text yata o nagbabasa ng text message while the priest is having mass. Katabi niya ang kanyang ate nang makunan siya ng photo.
Ang feeling ng marami ay pambabastos sa misa ang ginawa ni Kris. Ayun, inulan tuloy ng batikos ang Queen of Talk sa social media. “Relihiyosong pakitang tao,” tili ng isang guy.
“Ang kati naman ng kris na yan walang galang,” one person observed. “CP ng cp sa loob ng simbahan napaka bad,” mataray naman na pahayag ng isa pang guy.
Somone came to the defense of Kris and said, “Wag nmn taung humusga agad..baka naman importante talaga.” Bagay na sinagot naman ng isang ale ng, “Kung importante talaga pwede naman na lumabas na lang muna sya.”
Meron pang isa na nagpatotoo sa tila kataklesahan ni Kris nang minsan itong magpunta sa Baler for the taping of her early morning show.
“Kung npnood nyo ung pgpunta nya dito s probinsya nmin dito s gwing baler..dhil s taping nya n kristv..ngcmba xa s church..ngppray ung pari..may nsbi lng ung pari n words n Dalisay..bgla b nmn nyang tinanong kung ano rw ung dalisay..ngulat p c father at bgla nlng xng ngtnong ng gnun eh smntlng ngppray..wlang galang tlga..paepal kc,” chika ng isang guy.
True ba ito, Kris? Actually, hindi lang naman siguro si Kris ang nagte-text habang may nagaganap na misa. Kaya lang, since Kris Aquino siya ay nagiging issue.
Wala naman sanang isyu kung hindi lang siya si Kris, ang taklesang TV host at presidential sister.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.