Kris: Tao lang ako, nasasaktan! | Bandera

Kris: Tao lang ako, nasasaktan!

- December 26, 2011 - 02:16 PM

Sa mga taong patuloy na naninira sa kanya…
Hindi raw siya tatakbong Presidente sa 2016

ILANG araw na ang nakalilipas mula nang pumunta si “Segunda Mano” lead star Kris Aquino kasama ang mga kaibigang sina Vice Ganda at Angel Locsin sa Cagayan de Oro City para magbigay ng tulong sa mga kababayan nating sinalanta ng bagyong Sendong, kasabay nga nito ay kaliwa’t kanan din ang natatanggap naming batikos.

Kasama ni Kris ang ilang staff ng ABS-CBN Foundation at ilang marshals ng istasyon pati ang PSG staff ng TV host-actress.

Reklamo ng volunteers ng mga taga-CDO ay na-hold daw ang pamimigay ng relief goods dahil wala pa raw si Kris sa venue at kinailangan pang sunduin at pagkatapos ay nagpa-picture lang kasama ang dalawang kaibigang sina Vice at Angel.

Ipinakita naman sa iba’t ibang footages ng news program ng ABS-CBN na magkakasamang namimigay sina Kris, Angel at Vice ng relief goods. Tinanong namin si Kris tungkol dito nu’ng Biyernes ng hatinggabi at kaagad naman kaming tinawagan.

 

“I have no idea, Reggs.  We went there Monday (Dec. 12), Angel Locsin and I brought five boxes of shampoo, soap and toothpaste. ABS-CBN had care packs we distributed. Pasalamat naman sila (CDO victims) ng pasalamat.

“Yesterday (Dec. 22) my sisters brought P3M cash we collected and turned it over to the Bishops of CDO and Iligan City. Today (Dec. 23), I received from UNHCR 42 metric tons of materials plastic temporary roofing, jerry cans for clean water storage, mats for sleeping and blankets.

“Why will they be mad at me?  Baka paninira lang kasi ang ganda ng pagtanggap sa family namin?  And I think we are doing everything humanly possible to help. My sisters and I of course defended PNoy sa accusation na mabagal siya at inuna ang party. Dapat i-consider na end of the year complete ang pondo and may pang-disaster relief.

“We went to two sights and personally handed 1,500 packs. We had to leave before 10:30PM because small planes can’t land in NAIA after midnight. I can’t please the world but I know the truth and now so do you.  Tao lang akong nasasaktan dahil grabe rin ang pagod ko and also my personal expenses and donations.

“Sana sa mga naninira o sinuman ang nagkakalat, sana maski 2% man lang ng na-collect ko for Mindanao ay nagawa nila.  Hindi election time ngayon so unlike Ondoy, they can’t accuse us of palapad ng papel.

“Kaya after 2016, finished na kami sa politics, damned if you do, damned if you don’t.  Obvious nagalit sa amin, takot na 2013 or 2016 tatakbo ako, RELAX dapat sila, may career path is one day run my own network.

“We know only ‘til 2016 madaling mag-mobilize and get donations.  Just today my sisters got 30 portalets from Shell and DMCI tapos Air Force ang magta-transport,” mahabang pagdedetalye ni Kris tungkol sa ginawa nila sa CDO victims.

So, saan nanggagaling ang mga ganitong isyung paninira? May tinanong kaming taga-Dos na kasama sa buong biyahe nina Kris sa CDO na nakiusap na huwag na lang daw banggitin ang name ng taong dahilan kaya nagkaproblema sa distribution ng relief goods.

Ang buong kuwento sa amin, “Yung TV executive, maraming nakarinig at mismong volunteers pa mismo sa Cagayan de Oro ang nagulat, panay ang mura niya! Kasi nagkakagulo na ‘yung mga tao, siyempre nag-uunahan, nagulat siya.

“Magulo kasi ‘yung pila, hindi naayos kasi hindi siya bumaba sa putikan, ayaw niya kasi mapuputikan daw ‘yung imported boots na suot niya.  Kaya nagpabili pa siya ng bagong rubber shoes.  Kaya lukang-luka lahat ‘yung mga nakakita at nakarinig sa kanya inside the van.

“Hindi naisip nu’ng TV executive na maraming volunteers doon na nakakarinig sa kanya, e, hindi naman taga-ABS ‘yung mga ‘yun, hindi sila magkakakilala.

“Ang masama, hindi naman kilala ‘yung TV executive kasi hindi siya napapanood sa TV, kaya binanggit na lang si Kris since siya naman ang easy target dahil kilala siya at siyempre, kapatid siya ni P-Noy, so ‘yung mga hindi gusto si P-Noy, doon gumanti,” detalyadong kuwento sa amin ng aming source.

Pina-describe namin kung ano ang itsura ng TV executive, “Guwapo naman at medyo chubby, pero maliit. Lagi siyang kasama ni. Ms Gina Lopez sa mga events.”

Sa madaling salita sa pinaggagagawa ng taong ito, kay Kris nagboomerang ang kanegahan? Dagdag pang kuwento sa amin na talagang natawa kami, “Mas maarte pa siya (TV executive) kaysa kay Kris. Ha-hahaha! Sina Kris at Vice naka-Prada pa yatang shoes, pero hayun, nalublob sa putikan. Ha-hahaha!  Hindi sila nakaangal.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, sa ginanap namang Metro Manila Film Festival Parade nu’ng Dec. 24 ay nagsabi ang lead star ng “Segunda Mano” na mapupunta sa Sendong victims ang part ng kita ng pelikula. Hmmm, ‘yung sosyo kaya ni Kris ang ibibigay niya sa Sendong victims?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending