Barako Bull pipiliting mabuhay; Alaska sasagupa sa Ginebra | Bandera

Barako Bull pipiliting mabuhay; Alaska sasagupa sa Ginebra

Barry Pascua - April 13, 2014 - 03:00 AM


Mga Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
3 p.m. Barako Bull vs Globalport
5:15 p.m. Brgy. Ginebra vs Alaska Milk
Team Standings: Talk ‘N Text (9-0); San Miguel Beer (5-2); San Mig Coffee (4-2); Alaska Milk (4-3); Meralco (4-4); Air21 (3-4); Barangay Ginebra (3-4); Rain or Shine (3-4); Barako Bull (2-6); Globalport (0-8)

PIPILITIN ng Barako Bull na mapanatiling buhay ang pag-asang makarating sa quarterfinals sa kanilang pagtutuos ng Globalport sa PLDT Home TVolution PBA Commissioner’s Cup mamayang alas-3 ng hapon sa mart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Sa alas-5:15 ng hapon na main game, habol naman ng defending champion Alaska Milk ang ikaapat na sunod na panalo kontra crowd-favorite Barangay Ginebra San Miguel.

Ito ang huling larong Energy at Batang Pier sa elimination round, Ang Globalport, na ngayon ay hawak ni head coach Alfredo Jarencio, ay wala pang panalo sa walong laro at tuluyan nang nalaglag.

Nabigo silang maitumba ang Talk ‘N Text noong Biyernes at natalo, 92-91, nang magmintis sa kanyang free throw si Evan Brock sa huling segundo.

Sa gabi ring iyon ay sinayang ng Barako Bull ang 44-22 second quarter na bentahe kontra sa Meralco Bolts at natalo, 105-98. Bunga ntito ay bumagsak ang tropa ni coach Bong Ramos sa 2-6 record.

Kung matatalo ang Barako Bull ay malalaglag na rin sila at tuluyang papasok sa quarterfinals ang Gin Kings kasama ang Rain or Shine at Air21 na may 3-4 karta.

Kung magwawagi ang Barako Bull, kakailanganin ng Gin Kings na manalo rin sa Aces upang makaiwas sa kumplikasyon. Ang Barako Bull ay pinangungunahan ng import na si Josh Dollard na sinusuportahan nina  Willie Miller, Ronjay Buenafe, Dennis Miranda at Mick Pennisi.

Ang Aces ay nag-iinit sa tamang panahon at may tatlong sunod na panalo kontra sa Air21 (88-78), San Miguel Beer (89-78) at Barako Bull (78-71).

Sa record na 4-3 ay may pag-asa pa ang Aaska Milk na magtapos sa No. 2 spot at makamit ang twice-to-beat advantage sa quarterfinals. Ito ay kung tatalunin nila ang Gin Kings mamaya at ang San Mig Coffee sa susunod na Linggo.

Ang Alaska Milk ay sumasandig kay Rob Dozier na siyang Best Import ng conference na ito noong nakaraang season. Nakakatuwang niya sina Cyrus Baguio, JVee Casio, Joaquim Thoss at Calvin Abueva.

Ang Barangay Ginebra ay galing sa 88-78 panalo kontra Meralco sa isang laro kung saan nagparada ng bagong import ang Gin Kings sa katauhan ni Josh Powell na humalili kay Leon Rodgers.

Si Powell ay gumawa lang ng 16 puntos sa kanyang unang laro subalit nagpakitang-gilas sa rebounding at pagpasa ng bola.
Samantala, tinalo ng San Miguel Beermen ang San Mig Coffee Mixers, 97-88, sa kanilang laro kahapon sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to INS )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending