Cedric, Deniece desperadong mapatumba si Vhong | Bandera

Cedric, Deniece desperadong mapatumba si Vhong

Ervin Santiago - April 09, 2014 - 03:00 AM


Desperado na umano ang kampo nina Cedric Lee at Deniece Cornejo kaya isa-isa nang lumalabas ang mga babaeng sumisigaw ng rape laban kay Vhong Navarro.

Ayon mismo sa abogado ni Vhong na si Atty. Alma Malongga nang mainterbyu sa Aquino & Abunda Tonight, “desperate move” na ng kampo nina Cedric ang paglabas ng ikatlong rape victim daw ng TV host-comedian.

Ito’y dahil nalalapit na nga ang paglabas ng resolution sa kasong isinampa ni Vhong laban sa mga ito. Sey ng kampo ni Vhong, inaasahan na nila ang paglabas ng third victim dahil mismong si Cedric na ang nagsabi noon na may anim hanggang pitong babae raw ang kumontak sa mga ito na nagsabing hinalay din sila ni Vhong.

Naniniwala rin ang kampo ng komedyante na malakas ang kanilang kaso kaya patuloy silang “hinaharas” ng kanilang kalaban sa pamamagitan ng paglantad ng ilan pang mga babaeng ginahasa raw ni Vhong.

Sa ngayon, mas gustong maging positibo ni Vhong dahil malapit na ngang mag-showing ang “Da Possessed” under Star Cinema at Regal Films with Solenn Heussaff. Showing na ito sa April 19, Black Saturday nationwide.

( Photo credit to vhongnavarrofanpage )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending