Anne dyumi-jingle sa kalye paglasing | Bandera

Anne dyumi-jingle sa kalye paglasing

Cristy Fermin - April 08, 2014 - 03:00 AM


Ilang insidente pa lang tungkol sa pagiging palainom ni Anne Curtis ang nalalantad sa publiko, hindi pa natin alam ang marami pang ibang karanasan ng magandang aktres kapag nalalasing na siya, maraming kuwento tungkol du’n ang mga kasamahan niyang artista na hindi nakakaramdam ng inggit kundi nagmamalasakit sa kanya.

Matagal na palang mahilig uminom si Anne, ‘yun ang kanyang bisyo, mahilig siyang uminom at magpainom ng mga kaibigan niya. At kapag naaapektuhan na siya ng agua de pataranta, nagsisimula na siyang maging makulit, hanggang sa maging war freak na siya at naghahamon ng away.

“Siya ang female version ni Baron Geisler, magkapareho lang sila na hindi kayang magdala ng kalasingan nila. Si Anne kapag sumosobra na ang naiinom, wala na siyang pakialam sa pagiging artista niya.

“Nu’ng minsang may puntahan siyang party ng ine-endorse niya, e, uminom na naman siya nang uminom. Madaldal siya, sobrang daldal, in fairness, e, wala naman siyang pinagtripang awayin that night.

“Makulit lang siya, maingay, pero hindi naman siya war freak. Heto na. Nu’ng uwian na, hindi na siguro niya mapigilan ang jingle niya. Tumuwad na lang siya sa gutter, du’n siya dyuminggel.

“‘Yung ganu’n, di ba, mas matindi pa ‘yun sa may inaway siya? Imagine, Anne Curtis ka na, pero dahil sa sobrang kalasingan, e, makikita kang umiihi sa gilid ng kalye? Nakakahiya siya, sa totoo lang!” madiing kuwento ng aming source.

Hindi puwedeng idenay ni Anne Curtis ang pangyayaring ‘yun dahil maraming nakakita sa kanya, hindi gawa-gawa lang ang kuwento, kaya habang maaga pa ay marendahan na sana ng mga namamahala sa career ng magandang dalagang ito ang bisyong paniguradong makasisira sa kanya.

At kailangang ngayon na ‘yun, ngayon na, dahil unti-unti nang naglalabasan ang mga kuwento kapag nalalasing siya.

( Photo credit to entertainment.inquirer.net )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending