SARILING effort at kayod ng magkakaibigang Angel Locsin, Vice Ganda at Kris Aquino na pumunta sa Cagayan de Oro City nu’ng Lunes ng tanghali para mamahagi ng tulong sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Sendong.
Base sa mensahe sa amin ni Kris nu’ng tanungin namin siya tungkol sa pagpunta nila doon, “I went there (CDO) on his (P-Noy) behalf, brought goods that I personally bought, (pang-give away daw sana sa gagawin nilang MMFF parade).”
Pero Linggo pa lang ng hapon ay nakatanggap na kami ng mensahe mula kay Angel na humihingi ng tulong para sa mga kababayan natin sa Mindanao ng kahit magkano dahil alam naman daw niyang panahon ng gastusin ngayong
Kapaskuhan pero may mga kapatid nga raw tayong mas nangangailangan sa ngayon.
Naisip ng presidential sister na hindi agad makakarating si Pangulong Noynoy sa CDO dahil may mga inaayos pa ito sa Maynila kaya nauna na siyang nagtungo roon kasama sina Angel at Vice.
Kahapon ng umaga ay dumating sa CDO si P-Noy at pagkatapos nu’n ay tumuloy din siya sa Dumaguete City para personal na bisitahin ang mga kababayan nating nasalanta ng bagyo. Umabot sa P11.87 million (tseke) ang ibinigay ni P-Noy para sa road rehabilitation project, cleaning of riverbanks and declogging of spillways sa Iligan.
Bukod diyan, naglabas din ng P150 million si P-Noy para sa pagtatayo ng core shelters sa CDO.
“Sana huwag nang tirahin si P-Noy, pumunta siya there with an action plan for the rehabilitation. And all systems of government are mobilized,” ang pakiusap ng bunsong kapatid ng pangulo sa amin sa text.
Samantala, nagulat ang host ng Kris TV nang dumating sila sa Cagayan de Oro dahil maski na nasalanta at namatayan ng mga kaanak ay nagagawa pa rin daw ngumiti ng mga ito at magpasalamat sa tulong na ibinibigay sa kanila, “I am overwhelmed.
The appreciation of the people, so genuine,” say ni Kris sa kanyang tweet.
“We are inspired because we know we can do much to make our Kapamilyas in CDO feel not alone but that we care,” dagdag pa nito.
Nagpapasalamat din si Kris sa mga kaibigan niyang tumulong magre-pack ng mga dinala nila sa nasabing probinsiya, “Si Anne (Curtis), si Vice sa water, Angel & me sa care packs. Thank God we brought Pantene, Safeguard, Hapee toothpaste.”
Bukas naman ang schedule ni Kris sa DSWD Street Children outreach at sa Dec. 24 ay ang mga orphan ng Don Bosco naman ang bibisitahin niya kasama ang anak na si Bimby.
Sa hapon naman ay diretso na siya sa Metro Manila Film Festival parade para sa entry nilang “Segunda Mano” kasama sina Dingdong Dantes at Angelica Panganiban na showing naman sa Dec. 25.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.