Wala akong ginagawang masama! – Valerie
Dahil sa sobrang tuwa ay walang malisyang nai-tweet ni Valerie Concepcion na nakasama niya si Pangulong Noynoy Aquino sa ginanap na Christmas party sa Malacañang para sa buong staff ng Palasyo kasama ang kani-kanilang pamilya nu’ng Linggo ng gabi.
Sino nga ba naman ang hindi matutuwa na nakasama mo ang isang Presidente sa isang pagtitipon at napasaya mo pa dahil sa performance mo, ordinaryong tao lang si Valerie at isa malaking oportunidad sa kanya ang makatuntong sa Malacañang.
Pero naging nega ang dating sa lahat ng nakabasa sa tweet ng TV host-actress, bakit daw ginagamit niya si P-Noy at nagawa pa raw nilang magsaya o mag-party gayung marami tayong kababayang nasawi sa Mindanao dahil sa bagyong Sendong.
Nakausap namin ang manager ni Valerie na si tita Becky Aguila at worried din siya sa naging reaction ng mga tao sa tweet ng aktres.
“Reggs, wala namang malisya ang pagtu-tweet ni Val, na-excite siya kasi nakasama niya ang ating Presidente, inimbitahan siya to perform sa party kaya it’s an honor for her.
“Huwag naman sanang isiping ginagamit niya si P-Noy dahil walang ganu’n. Kumanta at nagdyo-joke lang si Val, kilala mo naman ‘yun, palabiro, siguro naaliw si P-Noy sa kanya at tawa raw nang tawa. Hanggang doon lang,” paliwanag ng manager ni Valerie.
Samantala, nagbigay naman ng paliwanag si Valerie tungkol dito, “I just want to clear that I was invited to perform at Malacañang’s Christmas Party for their employees and respective families. Yes, the President attended the gathering to support his employees.”
“I do not see anything wrong with that since its his obligation and responsibility being the head of Malacañang to be present and show his support for his hardworking employees and their respective families. But I believe that it doesn’t mean that the president is not thinking of ways to help our kababayan(s) in Mindanao.
Nag-text din ang presidential sister na si Kris Aquino kay Valerie tungkol sa nangyari, sabi raw ni Tetay, “Siguro Val yung msg lang na mahal niya yung PSG & pinahahalagahan nya ang pag-protect nila sa kanya pero hindi naman nawala sa isip ang mga kababayan natin in Mindanao.”
May punto rin naman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.