Album ni Maja inokray: Iinit uli ang ulo ni Lea Salonga!
Marami yata ang hindi nagkagusto sa album ni Maja Salvador. Ang dami kasing negative reactions. Pero ang isang Twitter account ang nakakuha ng aming attention nang mag-tweet ito ng kung anu-ano about Maja’s album.
Unang nabasa namin, “Jusko! Kahit sino na lang pwede magka album? Diba pwede kumuha muna ng lisenya sa otoridad? #ASAPSmile.” “Parang trip-trip na lang ang magka album sa Pinas ngayon! #ASAPSmile.”
“Mag-iinit na naman ang ulo ni Lea Salonga kapag nabalitaan ang album na yan! #dahandahan #ASAPSmile.” ‘Yan ang mga mapanglait na tweet ni @krizzy_kalerQUI kay Maja.
Naku, baka biglang ipagtanggol ni Kim Chiu si Maja lalo pa’t nagkabati na sila recently lang.
( Photo credit to entertainment.inquirer.net )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.