76ers winakasan ang 26-game losing streak
PHILADELPHIA — Tinapos ng Philadelphia 76ers ang NBA record-equaling, 26-game losing streak matapos tambakan ang Detroit Pistons, 123-98, sa kanilang NBA game kahapon at maiwasan ang pagtala ng pinakamahabang losing streak sa U.S. major pro sports history.
Sina Michael Carter-Williams at Thaddeus Young ay kapwa umiskor ng 21 puntos para sa 76ers, na nagwagi sa unang pagkakataon matapos ang dalawang buwan na walang kahirap-hirap nang makalamang ng 32 puntos.
Tinapos din nila ang 18-game home losing streak, na kapos ng isang laro para matapatan ang NBA record. Ilang beses na nakatikim ng masasakit na pagkatalo sa nasabing skid, ang 76ers ay nabuhayan naman sa pagkakataong ito matapos magtala ng season-high 70 puntos sa first half ng laro.
Ang 26 diretsong pagkatalo ng 76ers ay tinapatan ang itinalang record ng 2010-11 Cleveland Cavaliers at NFL team Tampa Bay Buccaneers, na natalo rin ng 26 magkakasunod na laro mula Setyembre 12, 1976 hanggang Disyembre 4, 1977.
Ang dating PBA import na si Henry Sims ay nag-ambag ng 16 puntos para sa Sixers, na huling nanalo sa harap ng kanilang home crowd nang talunin ang Charlotte Bobcats noong Enero 15.
Nagtala naman si Greg Monroe ng 20 puntos at 10 rebounds para sa Pistons.
Clippers 118, Rockets 107
Sa Houston, kumana si Chris Paul ng 30 puntos at 12 assists para makuha ng Los Angeles Clippers ang franchise-record na third straight playoff appearance matapos talunin ang Houston Rockets.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.