Boses ni Anne panlaban sa mga kalaban ni Dyesebel
Ngayong gabi na mapapanood si Anne Curtis at ang kanyang dalawang hunk leading man sa fantaseryeng Dyesebel sa Primetime Bida ng ABS-CBN na sina Sam Milby at Gerald Anderson.
Yes, tapos na ang paghihintay n’yo sa paglabas ng mga pangunahing tauhan ng soap. Kuwento nga ni Anne sa presscon ng kanyang second major concert, ang “The Forbidden Concert Round 2”, ngayon na magsisimula ang buhay ni Dyesebel bilang dalaga kaya hindi na raw ito dapat bitiwan ng mga manonood gabi-gabi.
Kuwento pa ni Anne, kahit daw sobrang hirap ng mga eksena nila sa Dyesebel, lalo na kapag nasa ilalim na sila ng dagat, mas inspired pa sila ngayon dahil sa mataas na rating na nakukuha nila.
Natatawa ngang ikinuwento ni Anne ang pagkanta niya sa nasabing sirena serye ng Dos, talaga raw ginamit ang singing voice niya sa Dyesebel para labanan ang mga kontrabida sa kuwento, “Yes, kapag kumakanta ako ‘yun ang magiging panlaban sa mga enemy. Ha-hahaha!”
Kasama pa rin sa Dyesebel sina Ai Ai delas Alas, Dawn Zulueta, Eula Valdez, Andi Eigenmann, Gabby Concepcion, Zsa Zsa Padilla, Gina Pareño, Bangs Garcia, Ogie Diaz, Neil Coleta, David Chua, Young JV, Markki Stroem at Bodie Cruz, sa direksiyon nina Don Cuaresma at Francis Pasion.
Samantala, sa May 16 na ang “The Forbidden Concert Round 2: AnneKapal” ni Anne sa Araneta Coliseum at ibinalita niyang mas kakaririn niya ngayon ang pag-eensayo para mas mapahanga ang mga manonood ng show niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.