Babala kay Meg Imperial: Mag-ingat kay Ellen Adarna | Bandera

Babala kay Meg Imperial: Mag-ingat kay Ellen Adarna

Dinno Erece - March 31, 2014 - 03:00 AM


Baka matabuan ng support ang bida ng Moon of Desire. Pilot today ng Moon of Desire sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN right after It’s Showtime.

Sa unang pagkakataon ay magtatambal at magbibida sa kanilang sariling Kapamilya serye sina JC de Vera at Meg Imperial kasama rin sina Ellen Adarna, Dominic Roque at Miko Raval.

Sundan ang paglalakbay ni Ayla tungo sa ganap na pagtuklas ng sarili sa kabila ng panghuhusga ng lipunan dulot ng kanyang karamdaman. Isang sikat na radio DJ ng programang “Moon of Desire”.

Ikinukubli ni Ayla sa likod ng nakahahalinang boses sa radyo ang mabalahibo niyang lihim na pagkakaroon ng hypertrichosis o hindi normal na pagtubo ng maraming buhok sa kanyang katawan.

Bagama’t isa siyang masayahing dilag, hindi maikakaila sa kanyang mga mata ang sakit na dala ng pangakong iniwan ng kababatang si Jeff, ang nag-iisang lalaking nagpakita ng malasakit at pagmamahal sa kanya.

Pagkalipas ng maraming taon, muling magku-krus ang landas nina Ayla at ni Jeff. Now, there is no doubt that sina Meg and JC ang bida sa Moon of Desire pero dapat silang mag-ingat sa mga co-stars nila na bagama’t mga bago ay mga palaban din sa hubaran.

Sa babae, ingat si Meg kay Ellen na walang pakialam sa paseksihan at si JC naman sa tatlong kasama niyang lalaking sina Dominic, Miko and Franco na handa ring maghubad para mapansin.

Moon of Desire is under the direction of FM Reyes at Raymund Ocampo and its theme song is created by Trina Bellamide.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending