Debut ni Kathryn nagmistulang kasal nila ni Daniel | Bandera

Debut ni Kathryn nagmistulang kasal nila ni Daniel

Ervin Santiago - March 31, 2014 - 03:00 AM

APRUB ang tatay ni Kathryn Bernardo kay Daniel Padilla kung sakaling ito na nga ang piliin ng dalaga na maging boyfriend. Sa 18th birthday celebration ni Kathryn, na ginamap sa Blue Leaf Filipinas sa Pasay City nu’ng Sabado ng gabi, mismong si Mr. Teddy Bernardo ang nagsabi na malaki ang tiwala niya kay Daniel Padilla.

In fairness, talagang binanggit pa nito si Daniel sa kanyang “Thank You” speech sa pagtatapos ng party ni Kathryn, “Kay Daniel, so far, so good. Thank you, Daniel for looking after her.” Kahit ang nanay ng teen actress na si Min Bernardo ay botong-boto kay Daniel pero ang advice nga nito ay huwag munang pumasok sa seryosong relasyon.

Siyempre, tuwang-tuwa si Kathryn sa pagtanggap ng kanyang mga magulang kay Daniel,  “Sabi nga niya (Daddy), so far, so good. Marami pang time si DJ para maging good shot siya forever. As long as okey naman ang intentions ni DJ, walang problema,” sey ni Kathryn.

Sey pa ni Kathryn kahit hindi siya pagsabihan ng magulang, talagang desisyon na rin niya na huwag munang pumasok sa isang serious commitment,

“Well, sinabi ko nung last na na-interview n’yo ako, hindi ko pa na-feel na 18 na ako. Pero ngayon, parang nag-sink in na sa akin. Pero gusto ko lang mag-enjoy talaga ngayong 18 na ako. Ayoko madaliin. Let’s see what will happen.”

Ito naman ang naging message ni Kathryn kay Daniel, “Thank you for being my escort tonight. I’m always here for you. Parang ikaw sa akin.” Sa lahat ng kasali sa 18 Roses, pinakamatagal na nakasayaw ni Kathryn si Daniel.

Kinantahan pa nito ng “Till I Met You” si Kathryn habang magkasama sa stage sa pagtatapos ng event. Mensahe naman ng binata sa pinakamamahal na dalaga,

“Eighteen ka na! Dati napapanood lang kita sa Goin’ Bulilit, ngayon partner na kita. Grabe! Ang galing!” Nagmistulang kasal din ng dalawa ang party nang ikutin nila ang mga table sa venue para sa picture taking.

Bukod sa pamilya ng debutante, naroon din ang mga malalapit na kaibigan ni Kath sa showbiz tulad nina Enrique Gil, Khalil Ramos, at Sam Concepcion, sina Richard Poon, Erik Santos, Matteo Guidicelli at Sam Milby, sina Julia Montes, Gretchen Barretto at Marian Rivera na nakasama niya noon sa serye ng GMA na  Endless Love (2011) kung saan gumanap na batang Marian ang Kapamilya teen queen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending