Spotlight: Makulay na holiday nina Lexi at Maritoni | Bandera

Spotlight: Makulay na holiday nina Lexi at Maritoni

- December 17, 2011 - 04:57 PM

ISANG masaya at makulay na Pasko ang natatanaw ng GMA 7 teen star na si Lexi Fernandez, kahit gaano pa ka-hectic ang Yuletide season.

Para sa kanya ang Pasko ay katulad ng mensahe ng isang kanta ‘it’s the most wonderful time of the year’ at ang kanyang mga alaala sa panahong ito ay ang kanyang pamilya.

“I always spend Christmas with my mom (ang aktres na si Maritoni Fernandez) and brother Liam,” saad ng 16-anyos na singer/actress.

Natutuwa naman si Lexi na makita ang kanyang anim na taong gulang na kapatid na lalaki na naghihintay kung ano ang regalo sa kanya ni Santa.


“He’s so cute!” bulalas ni Lexi. “When I was younger, my mom would fill a bag with little gifts. Then, she would empty the bag on me when I wake up on Christmas morning.”

Sinusunod pa rin umano ni Lexi at kanyang ina ang Christmas tradition na ito at literal na inuulan si Liam ng regalo taun-taon.

THE BEST SA MUNDO
Ito ang panahon upang maging magkakasama ang pamilya at nakikini-kinita na niya ang pagsasama-sama ng pamilya Fernadez sa Christmas dinner upang tikman ang roast turkey ng kanyang ina.

“I also love my mom’s baked and mashed potatoes, and Tita Pit’s lengua. And chocolates, lots of it!”

Minsan umuuwi sa bansa ang amang si Alex. Puwede na sa Australia mag-Pasko si Lexi pero mas gusto niya na ipagdiwang ito sa Manila. “Christmas in the Philippines is the best. There’s nothing like it in the world.”

Naalala pa niya nang nangangaroling siya kasama ang kanyang mga pinsan sa kanilang village sa Makati kung saan sila lumipat anim na taon na ang nakakaraan.

Dahil siya ang pinakamatanda, si Lexi ang palaging nagiging lider ng magpipinsan. “‘The Christmas Song’ was my favorite piece,” ani Lexi.

Nang bata pa, si Lexi ay binibigyan ni Maritoni ng partikular na regalo kada taon. “One year, it was all Barbie. Then, Power Puff Girls. There was also a Hello Kitty year,” ani Maritoni.

FLOAT RIDE
Ngayong taon ay wala ng hinihingi si Lexi sa ilalim ng kanilang Christmas tree. “I already got the best gift when mom allowed me to join showbiz.”

Ayon sa kanya nag-iipon siya para makabili ng bagong laptop. “My computer is old na. I didn’t feel the need to buy a new one earlier, since I already had an iPhone.”

Magagamit niya ang laptop para maiayos ang kanyang mga music files.

Magiging abala si Lexi ngayong Yuletide season. Siya ay kasali sa “My Househusband: Ikaw Na,” ni Jose Javier Reyes na kasali sa Metro Manila Film Festival.

Matapos ang GMA Film na “The Road” si Lexi ay kasali rin sa isa pang Kapuso youth flick — “Just One Summer,” — kasama sina Julie Ann San Jose, Elmo Magalona at Enzo Pineda.

Si Lexi ay regular din sa Kapuso shows na “Party Pilipinas” at “Pepito Manaloto.”

Hindi niya maitago ang kanyang pananabik na makasakay sa float para sa MMFF parade sa bisperas ng Pasko. “It’ll be my first time. I only used to watch it on TV.”

Hirit pa ni Maritoni: “In my 22 years in show business, I’ve never been on an MMFF float. Lexi’s so lucky.”

Inamin ni Maritoni na hindi niya pinilit ang kanyang anak na pumasok sa showbiz. “I even told her not to tell anyone that she’s my daughter. Then I saw how patient she was, queuing up for auditions, no matter how long the lines were.”

Nang sumali si Lexi sa Star Magic ng ABS-CBN, nakumbisi si Maritoni na determinado ang kanyang anak kaya isinama niya ito sa GMA 7.

BEST FRIEND
Si Maritoni, na cast ng Kapuso show na “Legacy,” ay madalas na tawaging “my best friend” si Lexi.

Bilang bata, si Lexi ang nagsisilbing mini-me ng kanyang ina, parang isang anino na sumusunod saan man siya magpunta.

Ngayon ay kailangan nang tanggapin ni Maritoni na ang kanyang baby ay isa ng lady.

“She’s turning 17 on Jan. 5. She gets embarrassed when I hug and kiss her in public.”

Naalala ni Maritoni na si Lexi ang nagbigay sa kanya ng lakas noong nakikipaglaban siya sa kanser, may 10 taon na ang nakakaraan. Nakita ni Lexi ang kanyang paghihirap at ang bawat pagpunta niya sa ospital.

Dahil sa karanasan niyang ito, natutunan ni Lexi kung gaano kahalaga ang buhay.

“It made her a stronger person,” saad ng aktres na ina. “She learned to value life. Also, I noticed that she’s not easily swayed by peers. She’s humble and level-headed.”

Sumasali rin si Lexi sa mga charity projects gaya ng Inquirer Read-Along session kasama ang mga batang may kanser.

Bagamat katulad siya ng ibang teenager na pumupunta sa mall kasama ang mga kaibigan, gusto rin ni Lexi na manatili sa bahay at maglaro ng Rock

Band o Wii kasama si Liam, o kaya ay nilalaro ang kanyang mga Dachshund Barbie at Persian cat Yuki sa kanilang lanai.

“Barbie has been my guardian since I was small,” ani Lexi. “Our favorite hangout is the kitchen.” Tamang-tama lamang umano sa kanila ang bahay.

“Not too big. Not too small. We still get to see each other though we’re always on the go.”

Sa paghahanda ngayong Pasko, ginamit ni Maritoni ang kanilang mga lumang décor.

“Our goal is to make the Christmas tree decor as baduy (kitschy) and gaudy as possible,” ani Lexi.

Saad naman ni Maritoni: “If you notice, there’s not just one color” na sinang-ayunan naman ni Lexi.

“The more colorful, the merrier,” dagdag pa ni Maritoni. “I hate thematic all-white or all-red trees. Our tree has red, green, silver, yellow, gold ornaments—of all shapes and sizes.”

Ang kanilang kaleidoscopic parol ay binili ni Maritoni sa San Fernando, Pampanga, 10 taon na ang nakakaraan.

Naipon ang kanyang mga palamuti sa mga nagdaang taon. “I frequented village bazaars and flea markets in Greenhills. They’ve lasted long because I always store them properly after the holidays.”

Ang ilan sa mga trinkets sa Christmas tree ay home-made, ani Maritoni. “I bought Styrofoam balls and, with a glue gun, covered them with satin ribbons.”

BARGAIN-HUNTING
Isa umano sa kanilang mga tradisyon ang bargain-hunting sa Divisoria at Greenhills.

“Lexi is a smart shopper. She got wedge shoes for only P400 at the 168 Mall in Divisoria,” saad ng proud na si Maritoni. “She can pick the right gift for every person. She puts a lot of thought into each present.”

At sinisiguro ni Maritoni na nasusunod ang tradisyon na ito. “Mass, then noche buena. In the morning, we open gifts and have lunch at my mom’s place.”

Isa pang Yuletide custom na ipinamana niya sa kanyang mga anak ay ang Advent calendar. “I used to order it from abroad pa, but now it’s available at (the deli) Santi’s.

It’s like a Christmas countdown. Every day, Liam opens a window on the calendar and he gets a chocolate. It teaches kids patience.”

Isa namang year round family ritual ang pagsasama-sama nila sa malaking kama ni Maritoni.

“Liam and Lexi each have their own rooms, but they prefer to sleep in my bed,” ani Maritoni.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“It’s actually practical because we have to turn on only one air-conditioner instead of three!” hirit pa ni Lexi. — Text at photos mula sa Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending