Dumiskarte nang sarili | Bandera

Dumiskarte nang sarili

Joseph Greenfield - March 27, 2014 - 01:56 PM

Sulat mula kay  Alma ng Surigao City
Dear Sir Greenfield,
Binaha na naman kami.  Madalas na kaming ulanin kaya mahirap na ang buhay dito.  Nawalan ng trabaho ang ama ko kaya sinabi sa akin ng aking mga magulang na di na ako makapag-aaral.  Hindi rin sila nakakuha ng scholarship kay mayor.
Bagaman maraming pagkain dito ay tumataas na rin ang presyo ng mga ito.  Meron kaming konting sinasaka kaya imbes na nakatunganga sa bahay ay sinabi sa akin ng aking mga magulang na tumulong muna sa bukid.  Katatapos ko lang ng first sem at hindi na mag-aaral sa second sem.  Pangarap kong maging nurse para makapag-abroad.  Matutupad kaya ang pangarap ko?
Umaasa,
Alma ng Surigao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Mahaba ang Fate Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, hindi ka mawawalan ng career o aasikasuhin sa buhay, kaya kahit na di ka muna makapag-aral dahil di na kaya ng mga magulang mo, sa sarili mong diskarte at paraan ay mapag-aaral mo ang iyong sarili.
Cartomancy:
Five of Diamonds, Two of Hearts at Six of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing isang maganda at maputing babae ang tutulong sa iyo para makapagtrabaho sa computer café.
Sa nasabing trabaho magsisimula ang maganda mong career, hanggang sa ikaw ay maging successful na working student. Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending