Kris Aquino: Mamahalin o Isusuka mo? | Bandera

Kris Aquino: Mamahalin o Isusuka mo?

Cristy Fermin - March 23, 2014 - 03:00 AM


Naaliw na nababaliw kay Kris Aquino ang mga kaibigan naming balikbayan. Si Kris ang naging paksa namin isang gabi, siya lang at wala nang iba pa, tumutok lang talaga sa aktres-TV host ang aming kuwentuhan.

At kung totoo ngang nakakagat ng tao ang kanyang dila kapag pinag-uusapan siya nang malayuan ay baka pipi na ngayon si Kris dahil sa aming pagpipista sa kanya.

Kami na mismo ang nagpatunay sa aming mga kaharap na may kagandahan naman ang puso ni Kris, hindi siya salbaheng tao, pero meron siyang mga katangiang siya lang ang makaiintindi talaga.

May mga panahong okey naman siya, madaldal at parang siya lang ang nag-iisang nilalang sa planetang ito na may karapatang magsalita, pero may mga pagkakataon din na parang wala siyang nakikita o nakikilala.

At kung ano ang gusto niyang sabihin ay pakakawalan niya kahit pa may umaray, sasabihin niya ‘yun sa paraang kanyang-kanya lang, bato-bato sa langit na lang at ang tamaan ay huwag magagalit.

Tanong ng isa naming kaibigan, kulang daw ba sa pansin si Kris? Ang aming sagot, sobra pa nga, kaya lang ay ganu’n naman ang karamihang artista, mas nag-e-enjoy sila kapag maraming taong nakapaligid sa kanila, para silang sinasaksakan ng suwero kapag nasa gitna na sila ng publiko.

At mahilig siyang mang-usisa, wala siyang pakialam sa damdamin ng kanyang kapwa, mapanuri ang kanyang mga mata at kapag hindi na siya makapagpigil ay diretso na niyang tatanungin ang kaharap niya kung original ba ang suot nitong damit o fake lang?

‘Yun si Kris Aquino. Dalawang bagay lang naman ang ating pamimilian patungkol sa kanya—ang mahalin natin siya o ang isuka dahil hindi natin matanggap ang ugali niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending