MAY multo raw sa bahay ni Kris Aquino! ‘Yan ang ikinuwento ni direk Joyce Bernal sa amin the other night pagkatapos ng presscon ng pelikula nila sa Metro Manila Film Festival 2011 na “Segunda Mano”.
Ayon kay direk Joyce, nakakakita raw talaga siya ng mga ligaw na kaluluwa, sa katunayan ilang beses daw siyang naka-experience ng medyo nakakakilabot na mga pangyayari nu’ng nagsu-shooting sila ng “Segunda Mano”.
Chika ni direk Joyce, sa condo unit daw ni Kris ay nakakita rin daw siya ng ligaw na espiritu. Nu’ng first time niyang bisitahin si Tetay sa bahay nito ay nakaramdam na raw siya agad ng kakaiba.
“Nu’ng pagpasok ko pa lang sa condo niya may na-feel na akong something, pero dinedma ko lang. Tapos nu’ng papunta ako ng CR niya, may nakasalubong akong pusa.
So, sabi ko, ito na ‘yun! This is it! Sinabi ko sa kanya ‘yun, pero dedma lang siya, feeling ko, alam na rin niya na may something sa bahay niya,” seryosong chika pa ng direktor ng “Segunda Mano”.
Nu’ng pangalawang pagpunta raw ni direk Joyce sa bahay ni Kris, nalaman niya na may paring darating, so naisip niya, baka raw ipa-bless uli ng TV host-actress ang kanyang condo unit para umalis na doon ang nasabing ligaw na kaluluwa.
Knows n’yo ba na hindi pala mahilig manood ng mga horror movies si direk Joyce? Hate na hate niya raw kasi ang mga nakakatakot na movies dahil talaga raw hindi ito kaya ng powers niya.
Kaya raw talagang na-challenge siya sa “Segunda Mano”, gusto rin daw niya kasing ma-overcome niya ang kanyang fear sa mga katatakutang pelikula.
Showing na ang “Segunda Mano” sa Dec. 25 at makakasama nga ni Kris dito sina Dingdong Dantes at Angelica Panganiban. In fairness, sa trailer pa lang, matatakot ka na!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.