Yasmien Kurdi kinuyog ng kampo ni Angel, sinungaling daw
TILA hindi nalalayo ang fans ni Angel Locsin sa supporters ng isang reyna kuno pero glorified starlet naman ang dating sa tunay na buhay.
Kasi naman, Angel’s fans reportedly bullied Yasmien Kurdi nang mag-post ito sa kanyang Instagram account ng pagkapanalo sa ratings ng kanilang soap against Angel’s teleserye sa Dos.
Apparently, galit na galit ang fans ni Angel at talagang binash ang Kapuso actress. Kung anu-anong masasamang salita at kanilang sinabi laban kay Yasmien.
Sabi ng isang guy, dapat daw ay factual ang ipinost ni Yasmien. Hindi raw totoo ang ratings na ipinost niya at ginawa lang niyang katawa-tawa ang kanyang sarili.
Another Angel fan was asking Yasmien kung saan niya kinuha ang ratings na ipinost niya. Hindi siya makapaniwala na tinalo na ng soap nina Yasmien at Jennylyn Mercado ang serye ni Angel.
Ang claim naman ng isa pang die-hard Angel fan ay laging nagte-trend ang teleserye ng dyowa ni Luis Manzano kaya paano raw itong natalo ng soap opera ni Jennylyn. Nagsisinungaling daw si Yasmien.
In one Facebook account that we browsed ay nakasulat na tinalo na ng soap ni Jen ang teleserye ni Angel. As written by the fan page, ayon sa Nationwide Ratings AGB NUTAM for March 18, ay nakakuha ang Rhodora X ng 9.2% laban sa The Legal Wife which got 8.7%.
In the few times that we have watched Angel and Jenylyn’s show ay nakita namin ang pagkakaiba ng dalawang soap. ‘Yung kay Angel ay predictable ang mga eksena at medyo luma na ang story line. Jen’s soap naman offers challenge dahil dual ang character niya. Second, hindi pa namin napapanood ang ganitong story line.
That said, we also feel na papangit nang papangit ang soap ni Angel as compared to Jen’s na paganda nang paganda.
Why are we not surprised sa chikang kumakalat na titigukin na ang soap ni Angel? For one, hindi naman kagandahan talaga ang kanyang teleserye. Two, hype lang naman talaga siya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.