Pera at ari-arian ni Willie hindi basta-basta mauubos | Bandera

Pera at ari-arian ni Willie hindi basta-basta mauubos

Cristy Fermin - March 21, 2014 - 03:00 AM

WILLIE REVILLAME

Aventador ang bagong minamanehong sasakyan ngayon ni Willie Revillame. Gawa ng kompanya ng Lamborghini ang sasakyan, milyon-milyon ang halaga, ‘yun ang regalo ng aktor-TV host sa kanyang sarili.

‘Yun lang naman kasi ang tanging bisyo ni Willie, magagarang sasakyan, puwede siyang pagdamutan sa ibang bagay pero ang pagkahilig niya sa mamahalin at magagarang sasakyan ay palaging nandiyan.

Isang patotoo ‘yun na walang katotohanan ang mga kuwentong naglalabasan na naghihirap na siya ngayon at nagkakautang-utang na, nalululong daw kasi siya sa casino, sayang na sayang daw naman ang mga naipundar niya nang maraming taon kung mauuwi lang ‘yun sa wala.

Maganda ang ganu’ng pagpuna kung may katotohanan, kaso lang ay halatado namang imbento lang ang balita, sumosobra na sa dapat lang. Aminado naman si Willie na nu’n ay sumubok talaga siyang mag-casino pero dibersiyon lang ‘yun at hindi siya lulong sa bisyo.

Sa mga panahong ito ay mahusay nang humawak ng pananalapi si Willie, alam na niya ang walang kasiguruhang kinabukasan ng mga artista, hindi ngayon at sikat ka ay panghabambuhay na ‘yun na maaasahan nila.

Tinututukan din niya ngayon ang patuloy na pagtatayo ng kanyang gusali sa Tagaytay na gagawin niyang hotel, napakaganda ng lokasyon ng nabili niyang ari-arian, napakataas nu’n kung saan kitang-kita ang buong Laguna, Cavite at Maynila.

Wala man siya sa telebisyon ay masaya si Willie, pero kung muli siyang magkaroon ng pagkakataong magpaligaya uli sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng isang bagong show, mas makukumpleto ang kanyang buhay.

At hindi mauubos kung sa ngayon lang ang bulto ng mga naipundar at naipon ni Willie Revillame, napakalaki nu’n para matuyuan ang kanyang kaban, ‘yun ang katotohanan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending