Tampuhan at away na | Bandera

Tampuhan at away na

Joseph Greenfield - March 20, 2014 - 01:35 PM

Sulat mula kay Minda ng Barangay Mainit, Iligan City
Dear Sir Greenfield,
Lumalala na ang tampuhan namin ng boyfriend ko hanggang sa mauwi na ito sa away.  Para hindi na tumindi ay naghiwalay muna kami, naglayo sa isa’t isa.  Masakit sa kalooban ko ito pero ito lang muna ang paraan para makaiwas kami sa mas malaking problema, sa maaaring pagkauwi ng aming problema sa kaso at demandahan.  Wala akong nagawa sa cool-off.  Siya ang unang nagmungkahi nito. Magkakabalikan pa ba kami dahil mahigit apat na buwan na siyang hindi tumatawag at hindi man lang nagte-text  sa akin? Meron na ba siyang bagong babae? Mahal na mahal ko kasi ang boyfriend kong ito sa dahilang may nangyari na sa amin.  Babalik pa kaya siya? May 12, 1992 ang birthday ko at January 16, 1990 ang birthday ng boyfriend ko.
Umaasa,
Minda ng Barangay Mainit, Iligan City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Isa lang ang Marriage Line (Illustration 1. Arrow 1.) sa kaliwa at kanan mong palad, na ngangahulugang kung sino ang unang boyfriend mo, malaki ang posibilidad na siya na rin ang huling magiging BF hanggang sa tuluyang mapangasawa at makasama habambuhay.
Cartomancy:
Jack of Clubs, Five of Hearts at Nine of Hearts  (Illustration 1.) ang lumabas. Ang mga baraha ang nagsasabing malaki pa ang pag-asang magkakabalikan kayo ng boyfriend mo kung ikaw ang unang gagawa ng paraan upang kayo ay magkaroon uli ng kumuniskayon. Kunsabagay, ito rin naman ang nais sabihin ng Five of Hearts at Nine of Hearts, sa buwan ding ito kusa at muling mabubuo ang relasyon ninyo.

 

SAGOT

Sulat mula kay Minda  ng Barangay Mainit,  Iligan City
Problema:
1.      Lumalala na ang tampuhan namin ng boyfriend ko.  Hanggang sa mauwi na ito sa away.  Para hindi na tumindi ay naghiwalay muna kami, naglayo sa isa’t isa.  Masakit sa kalooban ko ito pero ito lang muna ang paraan para makaiwas kami sa mas malaking problema, sa maaaring pagkauwi ng aming problema sa kaso at demandahan.
2. Wala akong nagawa sa cool-off.  Siya ang unang nagmungkahi nito. Magkakabalikan pa ba kami dahil mahigit apat na buwan na siyang hindi tumatawag at hindi man lang nagte-text  sa akin? Meron na ba siyang bagong babae? Mahal na mahal ko kasi ang boyfriend kong ito sa dahilang may nangyari na sa amin.  Babalik pa kaya siya? May 12, 1992 ang birthday ko at January 16, 1990 ang birthday ng boyfriend ko.
Umaasa,
Minda ng Barangay Mainit, Iligan City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) ang nagsasabing compatible kayo ng boyfriend mo na may zodiac sign na Capricorn, dahil ang Capricorn at Taurus ay may iisang elementong tinataglay – ang elementong lupa o earth.
Numerology:
Ang birth date mo na nagtataglay ng planetang Moon ay nagsasabi ring katugma at ka-compatible mo ang boyfriend mo, dahil ang taglay niyang planeta ay Sun.  Kung saan, ang pagsasama ng Sun at Moon ay sadyang magiging masagana at maligaya.
Luscher Color Test:
Upang mas madali kayong magkabalikan ng boyfriend mo mas makabubuting sa inyong pag-uusap lagi kang magsuot ng kulay na dilaw o kaya’y berde. Sa nasabing paggamit at pagsusuot ng kulay dilaw at berde muling mag-iinit at magiging maligaya ang inyong relasyon.
Graphology:
Ang iyong lagda na may korteng puso ay nagsasabi namang malapit na malapit ka nang makapag-asawa, kung saan, matapos ninyong magkabalikan ng boyfriend mo sa taon ding ito sa buwan ng Disyembre o kaya’y sa unang quarter ng taon 2015 may isang simple pero masayang kasalang itatala sa inyong karanasan.
Huling payo at paalala:
Minda, ayon sa iyong kapalaran wala kang dapat na ipag-alala, dahil tulad ng nasabi na, sa susunod na mga araw, muli kayong magkakabalikan ng boyfriend mo, upang paglipas ng ilan pang mga buwan,  ipasya nyo ng magpakasal, upang bumuo ng isang masaya at panghabambuhay na pagmamahalan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending