Enrique: Wala kaming relasyon ni Bangs! | Bandera

Enrique: Wala kaming relasyon ni Bangs!

Ervin Santiago - March 20, 2014 - 03:00 AM


NILINAW ni Enrique Gil ang mga chika na nagkaroon sila ng panandaliang relasyon ng Kapamilya sexy actress na si Bangs Garcia.

Kalat na kalat kasi sa social media ang diumano’y pagiging sweet sa isa’t isa ng dalawa nang maispatan nang mga Pinoy sa Japan. Ayon sa balita dito nagsimula ang special friendship ng dalawa.

Pero sa presscon ng bagong teleserye ng ABS-CBN nitong Martes ng gabi, ang Mira Bella na pinagbibidahan nina Enrique at Julia Barretto, agad na nilinaw ng binata ang nasabing tsismis sa kanila ni Bangs.

Aniya, minsan lang silang nagkasama ng aktres, ito nga ‘yung nag-show sila kamakailan sa Japan, at hanggang du’n lang daw ‘yun, never daw niyang niligawan ang sexy star at walang malisya ang naging samahan nila sa Japan.

Sa ngayon, very single si Enrique at focused muna siya sa trabaho, kailangan daw ibigay niya ang lahat ng atensiyon niya ngayon sa bago niyang serye sa ABS-CBN, ito ngang Mira Bella na magsisimula na sa darating na Lunes sa Primetime Bida.

Kung hindi kami nagkakamali, ito papalit sa magtatapos nang AnnaLiza. Sey ng binata, umaasa siya na susuportahan din ng viewers ang ang tambalan nila ni Julia, “Siyempre, kung may love team yung show, mas okay kung mag-click talaga kami.

We’re just doing our best. Ginagawa namin ang lahat para sa show na ito.” Para naman kay Julia, ayaw daw niyang magpaapekto sa pressure, alam daw niyang mataas ang expectation sa kanya ng mga tao dahil nga galing siya sa angkan ng mga artista.

Aniya, “I want to take it step by step. Ayoko madaliin ang sarili. I don’t want to pressure myself. Dahan-dahan lang. Ayoko naman bigyan sarili ko ng pressure na kailangan ganito na kaagad.

Of course we all start here. And we all work hard.” At ngayong tuluy-tuloy na ang pagsabak niya sa mundo ng showbiz, ano nga ba ang laging advice sa kanya ng kanyang mga magulang (Dennis Padilla at Marjorie Barretto), “They always tell me, kailangan maging mabuti ka sa lahat, kasi kahit na sabihin ng mga tao that you’re the greatest actress out there, pero masama naman ang ugali mo wala ka ring mapupuntahan.”

Bukod kay Enrique, makakatambal din ni Julia rito si Sam Concepcion, kaya ang sumunod na tanong sa dalaga, magkakaroon din ba siya ng kissing scene sa dalawang leading man niya? “Naku, bawal pa po! Kaka-17 ko pa lang po.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending