Jennylyn ayaw nang maghabol ng sustento kay Patrick
Consistent ang pagkapanalo ng Rhodora X sa The Legal Wife. Kung na kay Angel Locsin na nga si Luis Manzano, na kay Jennylyn Mercado naman ang ratings dahil always tinatalo ng kanilang Rhodora X with Yasmien Kurdi and Mark Herras ang The Legal Wife ni Angel sa ratings race weeknights.
No wonder ang The Legal Wife pala talaga ang ika-cut short but using the excuse na ikakasal na raw kasi ang ka-partner ni Angel sa soap na si Jericho Rosales samantalang consistent trending winner naman ang Rhodora X nightly sa TeleBabad.
Like last Friday, napakalaki ng difference ng ratings ng dalawang soap as reported by AGB Nielsen. Based on the comparative ratings performance survey based on the Mega Manila TV household, Rhodora X got 18.4% against The Legal Wife’s 14.6.
Siyempre vindicated si Jennylyn dahil mas pinapanood ang ex ni Luis kaysa sa current nitong si Angel. As we’ve said, consistent ito, hindi lang last Friday.
Basta mamaya, di makapaniwala sina Derrick sa report ng mga pulis na tumalon sa bangin si Angela. Di pa lang nare-retrieve ang katawan nito. Naiyak si Joaquin nang mapanood sa TV ang balita.
Nang mapag-isa si Roxanne nagdiwang ito sa pagkamatay ni Angela pero lumitaw si Rhodora, sinisi si Roxanne. Anyways, diretso pero makahulugan ang naging statement ni Jennylyn tungkol naman sa tatay ng kanyang anak na si Patrick Garcia.
Sey ni Rhodora X, hindi na niya kailangan ang kahit ano from the father of Alex Jazz, basta ang mahalaga sa kanya ang peace of mind at happiness nilang lahat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.