‘Natatawa na lang ako sa mga kadramahan ni Paulo Avelino!’ | Bandera

‘Natatawa na lang ako sa mga kadramahan ni Paulo Avelino!’

Jobert Sucaldito - March 19, 2014 - 03:00 AM


Natatawa na lang ako kay Paulo Avelino dahil sa mga nababasa kong kesyo nagsusumamo raw ito sa ex niyang si LJ Reyes para makita ang baby boy nila.

Bakit ako natatawa? Kasi nga, remember the time na halos itatwa nitong Paulo na ito ang pagiging ama sa anak nila?  He never wanted his being a father being touched sa interviews – pikon na pikon siya dati.

Kaya nga buwisit sa kaniya ang media before dahil ilang beses na silang nabastos o napahiya tuwing natatanong nila ang pagiging ama niya before? Meron pa nga siyang tinarayan na TV staff at kinuha pa ang video tape after the interview para sirain.

Kaya wala kami talagang amor sa lalaking ito. Feeling sikat. Ngayon he is singing a different tune. Gusto pa yatang paniwalain ang sambayan na matino siyang ama ng kaniyang anak.

Well, fine. Gusto niyang kunin ang simpatiya ng public na dating irita sa kaniya. Ha-hahaha!  Bakit daw kaya ayaw ipahiram o ipakita ni LJ ang baby nila sa kaniya?

“Ngayon pa ba naman siya mag-i-emote eh, dati naman ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa bata? Plus the fact na meron na siyang kiyemeng nililigawang KC Concepcion, natural na malaking insulto kay LJ iyon kaya tama lang na pahirapan siya ng ina ng kanilang anak. Buti nga sa kaniya.

Maagang Karma niya iyan,” anang isang gigil na gigil kay Paulo. Ayokong mag-comment – tatango na lang ako nang tatango. Hindi naman ako tumatawa habang tumatango – nangingiti lang.

Puwede na iyon, di ba? Sabi naman sa inyong huwag niyo akong patawanin eh. Kayo talaga. Ha-hahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending